Kasal nina Ara at Dave sa Baguio star-studded

July 1, 2021 Aster Amoyo 411 views

SA kabila ng pandemya, hindi napigilan ang pagpapakasal ng singer, actress and entrepreneur na si Ara Mina (Hazel Pascual Reyes), 42, sa businessman at dating politician at president & CEO ng Philippine International Trading Corporation na si Dave Almarinez, 46. Ang star-studded wedding ay ginanap sa Alphaland Baguio Mountain Lodge in Baguio City nung nakaraang Miyerkules ng hapon, June 30, 2021 kaya umabot pa rin si Ara bilang June bride. Ito’y dinaluhan ng respective families nina Ara at Dave maging ang kanilang malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Ara was in her queenly stunning gown na gawa ni Leo Almodal habang ang suit ni Dave ay gawa ni Francis Libiran.

Dumalo rin ang magkasintahang Sunshine Cruz at Macky Mathay na half-brother ng bride. Close namang kaibigan ni Ara si Sunshine. Present din siyempre ang 6-year-old daughter ni Ara na si Amanda sa kanyang ex-boyfriend, ang Bulacan mayor na si Patrick Meneses. Naroon din ang iba pang half-siblings ni Ara including singer-actress Cristine Reyes. Ang iba pang celebrities na namataan doon include Concert King Martin Nievera, couple Rochelle Barrameda and Jimwell Stevens, ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa with their daughter na si Jayda, ang magkasintahang Diego Loyzaga at Barbie Imperial, Jenny Miller, Jaycee Parker, Patricia Javier, Jan Marini, Radha at iba pa.

Marami ang humanga kay Ara dahil napakabilis niyang nakapagtanggal ng timbang. Napakaganda at napaka-sexy niya sa araw ng kanyang kasal.

Ara and Dave got engaged nung January 12 sa San Pedro, Laguna.

Sa kabila na pandemic at pareho rin sila busy sa kanilang respective work, maayos na naisakatuparan ang kanilang kasal sa tulong ng kanilang event coordinator, glam team at iba pang involved.

To Ara and Dave, our best wishes and congratulations!

Jennica desidido nang hindi bumalik kay Alwyn

IT was last March nang pumutok ang paghihiwalay ng mag-asawang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco pero sa recent posts ng actor sa kanyang social media account ay humihingi ito ng sorry at kapatawaran sa kanyang misis sa mga pagkakamaling kanyang nagawa. Pero sa kabila nito ay talagang firm na ang panganay ng actress na si Jean Garcia na ayaw na niyang makipagbalikan muli sa ama ng kanilang dalawang anak na parehong babae, sina Athena Mori at Alexis (Alessi) Severina.

The uncouple got married in February 2014.

Reunion movie nina Claudine at Mark smooth-sailing

SMOOTH-sailing ang shooting ng pelikulang “Deception,” ang reunion movie ng dating magkasintahang Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez na pinamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan mula sa script ng writer-director na si Easy Ferrer. Ang nasabing pelikula ay joint production ng Borracho Films at Viva Films.

Deception

Natutuwa ang first time movie producer na si Atty. Ferdie Topacio na hindi umano siya binigyan ng sakit sa ulo sa filming ng movie hindi tulad ng kanyang dream project na “Mamasapano” na nung isang taon pa nagsimulang mag-shoot pero hindi pa rin tapos hanggang ngayon.

Dumaan man ito sa ilang problema bago nakapagsimula ang shooting pero nang mag-start naman silang mag-filming ay tuluy-tuloy na hanggang ito’y matapos. Nasa post-prod na ngayon ang movie at naghihintay na lamang ng tamang release date.

May ilang projects na ring naka-line up ang Borracho Films na uumpisahan.

“Marami kaming problemang nai-encounter in every production pero ito’y part and parcel na sa paggawa ng pelikula. Pero ang lahat naman ay nagagawan ng solusyon,” ani Atty. Topacio.

Natutuwa rin ang mahusay na abogado-turned film producer na natupad niya ang kanyang pangako sa kanyang BFF na si Claudine na bigyan ito ng kanyang comeback movie at nataon pang reunion movie nila ni Mark Anthony. Sina Claudine at Mark Anthony ay nagtambal sa dalawang hit movies in 1995, ang “Pare Ko” na dinirek ni Joey Javier Reyes at ang “Mangarap Ka” na dinirek naman ni Rory Quintos.

Marco hindi sigurado kung tatagal sa Pilipinas

PARAMI nang parami ang mga Fil-Italian actors sa Pilipinas. Ang pinakabagong karagdagan ay ang ek-PBB housemate-turned actor na si Marco Gallo (20) na nasa pangangalaga na ngayon ng Viva.

Si Marco ang leading man ni Ella Cruz sa pelikulang “Gluta” mula sa panulat at direksiyon ng millennial writer-director na si Darryl Yap under Viva Films na palabas sa Vivamax simula sa araw na ito ng Biyernes, July 2.

Marco was 15 nang siya’y mag-audition in Milan, Italy for the Lucky Seven edition ng Pinoy Big Brother. Lucky for him, siya ang napili.

Ang Filipina mom ni Marco ang nag-encourage sa kanya na mag-audition.

Aminado ang young actor na nabago totally ang kanyang pagkatao nang maging bahagi siya ng PBB: Lucky Seven dahil marami umano siyang natutunan sa mahigit tatlong buwan sa loob ng PBB house.

Ayon kay Marco, never umano niyang inisip na papasukin niya ang showbiz (sa Pilipinas) balang araw. Bilang isang tinedyer, gusto lamang daw niya noong sumubok how it was inside the PBB house pero hindi umano niya akalain na ito pala ang kanyang magiging tulay para pasukin ang showbiz.

“I started to enjoy it and earn my own money at a young age,” pag-amin pa niya.

Being an only child ng kanyang parents, nalungkot umano siya nang magkahiwalay ang mga ito. His mom is now looking for a job in Italy habang ang kanyang ama drives his own taxi cab.

Inamin din sa amin ni Marco na hindi umano comfortable ang kanyang dad na siya’y narito sa Pilipinas and trying his luck bilang actor.

“I am not sure yet if I will stay in the Philippines for good. We’ll see,” aniya.

Although mahigit limang taon na rin sa Pilipinas si Marco at unti-unti nang nakakapag-adjust sa Pinoy culture, hindi nito ikinakaila na there are times na hinahanap-hanap pa rin niya ang kanyang growing up stage back in Milan, Italy kung saan siyang ipinanganak at lumaki.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE