Kasal ni Kris kay Perry natuloy na

September 26, 2021 Aster Amoyo 917 views

AFTER several postponements sa kanilang kasal, natuloy na rin finally ang wedding ng dating Starstruck alumna-turned actress na si Kris Bernal (32) sa kanyang non-showbiz husband, ang chef and businessman na si Perry Choi. Ito’y ginanap sa St. Alphonsus Mary de Ligouri Parish in Magallanes Village, Makati City nung nakaraang Sabado, September 25, 2021. The couple got engaged nung February 6, 2020 and set their wedding date sa birthday month ng actress at ginawa nila itong May 15, 2021. Pero dahil sa panibagong surge ng Covid-19 nung nakaraang March and April this year, they decided to move the date to June 5, 2021. Pero hindi na naman ito natuloy dahil sa pagtaas ng Covid cases sa bansa. They considered the month of July pero hindi naman available ang mga wedding suppliers and did not consider the month of August. Instead, after consultation with the family, they finally set the date to September 25, 2021. Lahat ng kanilang suppliers ay clear except sa church.

Hindi ikinakaila ni Kris na sa tuwing nauurong ang kanilang wedding date ay umiiyak siya out of disappointments pero sa final date na September 25, iisa na lamang ang kanilang problema ang church dahil fully-booked na. Nag-church hunting umano sila ni Perry until one day, she got a call na open na umano ang slot ng Magallanes church in Makati, ang first choice ng couple dahil sa malaking parking area and big entrance ng church. Natuwa siyempre sina Kris at Perry dahil sa bagong development kaya nag-focus na umano sila sa September 25 date.

Aminado ang actress na originally, they wanted to invite a lot of guests laluna ang mga showbiz friends ni Kris. Pero dahil sa health protocol , they need to cut down the number of guests kaya nag-desisyon siya na magkaroon ng lamang ng live-streaming sa kanyang YouTube channel para may chance ang lahat na mapanood ang kanilang wedding laluna ang marami nilang friends na hindi na nila naimbitahan .

Willing ang couple na gawing 50 to 80 guests na lamang pero umabot pa rin ito sa 150 pax.

Si Mak Tumang ang gumawa ng wedding gown ni Kris, ang fashion designer na gumawa ng Mayon gown at Ibong Adarna gown ng 2018 Miss Universe na si Catriona Gray.

Jewel pregnant sa pangatlong anak

PREGNANT ngayon ang Ultimate Sweetheart ng Starstruck: Season 4 na si Jewel Mische-Curzer sa pangatlong baby nila ng kanyang American husband na si Alister Curzer pero hindi pa nire-reveal ang gender ng ipinagbubuntis niya ngayon. Ang kanilang panganay na anak na si Aislah Rose ay isinilang nung July 2018 na sinundan ni Emerald Jade nung April 2020.

Jewel and Alex got engaged on December 2013. The latter gave the former a Bible as a gift at nasa loob ang engagement ring. Ikinasal naman ang dalawa sa Michigan, USA nung February 28, 2015 kung saan sila ngayon naka-base.

Bago nakilala ni Jewel ang kanyang husband ay naging kasintahan niya noong nasa bakuran pa siya ng GMA, ang dating Kapuso actor na si Richard Gutierrez, now married to Sarah Lahbati at meron na rin silang dalawang anak na parehong boys.

Hindi ikinakaila ng US-based actress na masaya ang kanilang pagsasama ng kanyang husband na si Alex kasama ang kanilang mga anak.

Ariella next beauty queen na magpapakitang gilas sa pag-arte

KUNG mga palaban ngayon sa pagpapa-seksi at pagbi-bare ng skin ang mga beauty queens na sina Kylie Verzosa at Cindy Miranda, hindi rin nagpatalbog ang 2013 Miss Universe 3rd runner-up na si Ariella `Ara’ Arida sa pelikulang “Sarap Mong Patayin” kung saan niya mga kabituin sina Kit Thompson at ang actor-comedian na si Lassy Marquez mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap.

Hindi ikinakaila ni Ara na nung umpisa ay nagkaroon umano siya ng hesitation na tanggapin ang role niya sa movie pero nang makausap niya ang director at mabasa ang script ay lumakas umano ang kanyang loob.

Tiyak na aabangan ang kissing scene nila ni Lassy, na isang gay comedian maging ang kanyang love scene with Fil-Am actor na si Kit.

Dumarami na ang mga dating beauty queens na pumasok sa showbiz na sinimulan nina Gloria Diaz at Pilar Pilapil.

Ang pelikulang “Sarap Mong Patayin” ay matutunghayan sa Vivamax streaming app simula ngayong October 1, 2021.

Ellie tour guide ng daddy niyang si Jake sa Siargao

KAPAG walang online class si Ellie, ang 9-year-old eldest daughter ng actress na si Andi Eigenmann sa actor na si Jake Ejercito, tiyak na nasa piling ito ng actress at ng kanyang fiancé na si Philmar Alipayo in Siargao together with their two kids.

Since she was a kid, nasanay na si Ellie na magpabalik-balik ng Siargao at Maynila. Ellie stays with her dad (Jake) whenever she’s in town at nasa Siargao naman siya during school breaks. Kapag hindi natitiis ni Jake ang anak ay sinusundan niya ito sa Siargao at ito (Ellie) pa ang kanyang nagsisilbing tour guide whenever he’s in the island.

Magmula nang magkasundo sina Andi at Jake sa joint custody rights ng kanilang anak ay naging magaan ang lahat laluna kay Ellie na adjusted na sa kanyang dalawang blended family.

Samantala, hanggang ngayon ay tahimik pa rin ang actor sa kanyang lovelife dahil mas focused ito ngayon sa pagiging ama kay Ellie at pagiging bagong actor.

Si Jake ay napapanood sa primetime TV series na “Marry Me, Marry You” with Janine Gutierrez and Paolo Avelino.

CarlaCarla malapit nang maging Mrs. Mott

IN less than one month ay isa nang ganap na Mrs. Bartolome Alberto Mott (real name ng actor na si Tom Rodriguez) ang Kapuso actress na si Carla Abellana, second daughter ng veteran actor na si Rey `PJ’ Abellana sa kanyang ex-wife, ang dating actress na si Rea Reyes.

Carla and Tom are finally getting married in Tagaytay City sa darating na October 23, 2021, one month after the wedding nina Kris Bernal at Perry Choi.

Hindi ikinakaila ng engaged couple na naging mahirap ang kanilang wedding preparations dahil isinisingit lamang nila ito during lock-in taping breaks.

Hindi naman ikinakaila ng Kapuso actress na nakakaramdam umano siya ng wedding jitters ngayong malapit na ang `the day’ sa kanila ni Tom na naging kasintahan niya since 2014.

Ang love story ang dalawa ay nagsimula nang sila’y magsama sa isang TV series ng GMA, ang “My Husband’s Lover” kung saan din tampok si Dennis Trillo.

Ngayong malapit nang ikasal sina Carla at Tom, kailan naman kaya magpu-propose si Dennis Trillo sa kanyang longtime girlfriend na si Jennylyn Mercado?

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo, Facebook@Aster A. Amoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE