Default Thumbnail

Karpintero sumuko sa 12 kaso ng ‘pang-aabuso’

October 28, 2022 Jonjon Reyes 307 views

KUSANG loob na sumuko sa tanggapan ng Office of Intelligence Section ng District Mobile Force Batallon (DMFB) ng Manila Police District (MPD) ang isang 5- anyos na karpintero, makaraang malaman nito na siya ay may arrest warrant dahil sa kasong 12 counts ng “act of lasciviousness.”

Ayon kay Police Colonel Julius Anoñuevo, hepe ng MPD-DMFB, ang suspek ay residente ng Sampaloc, Maynila.

Base sa ulat ni Anoñuevo, bandang 9:10 ng umaga nitong Biyernes, Oktubre 28 , nagpasama ang akusado kina Chairman Jaime Diomampo at kay Kagawad Ernesto Calingo ng Barangay 536 Zone 53 sa tanggapan nito sa ikatlong palapag ng Intelligence Office.

Kay P/Lt. Bryan Rei, Intelligence chief, iniatang ni Aouñuevo ang pagsasaayos ng mga dokumento sa pagkakakilalan sa akusado.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Presiding Judge Jaime Mendoza Guray ng Regional Trial Court (RTC) Branch 260 ng Parañaque na may petsang Oktubre 18, 2022 na may mabigat na inilaang piyansa na P432,000 para sa suspek.

AUTHOR PROFILE