
Karpintero napako sa selda dahil sa droga
TIKLO ang isang 57-anyos na karpintero dahil sa pag-iingat ng ilegal na droga sa Punta Sta. Ana, Manila Lunes ng umaga
Nahuli ang karpintero nang mamataan ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District at isilbi ang arrest warrant nito.
Nakilala ang suspek na si alyas Roel, ng Barangay 894 Punta Sta. Ana.
Ayon sa ulat ni Police Major Rommel Reyes Purisima, hepe ng DSOU, bandang 9:10 ng umaga nang maispatan ang suspek sa kanyang lugar
Naaresto ang suspek sa pangunguna ni Police Lieutenant Lyn Delmonte.