Kathniel

Karla, tinarayan ang netizen na nagsabing ‘cheater’ si Daniel

December 19, 2022 Vinia Vivar 109 views

Inalmahan ni Karla Estrada ang isang basher na nang-intriga kay Donny Pangilinan at sa anak niyang si Daniel Padila.

Sa tweet ng netizen, pinagkumpara niya ang pamilya nina Daniel at Donny at tinawag na cheater ang boyfriend ni Kathryn Bernardo.

“Si DJ, cheater, si Donny, hindi. ‘yung nanay ni DJ, problematic. ‘yung nanay ni Donny, hindi. si DJ, chaotic ‘yung fam. si Donny, complete and & happy family. gusto niyo talaga mag-compare?

Okay,” ang tweet ng basher na ngayon ay deleted na.

At siyempre, bilang isang protective mom, hindi pinalampas ni Karla ang panghuhusga ng basher sa kanyang pamilya.

“Huh? Saan galing ang mega judgment na ito? Dito ka ba naninirahan sa pamamahay ko? at Akala mo alam mo lahat?!? Mag hunos Dili ka huy. Maka problematic at chaotic ito?? hala inday pagtarong diha! Wag mandamay ng pamilya panget ‘yun,” pagtataray ni Karla.

Kinuyog din ng KathNiel fans ang basher at ipinagtanggol nila si Daniel.

“Cheater? Naka isang dekada na nga sila ng nobya niya. Attitude? 11 years in showbizness but still on top. Came from a broken fam? At least nabigyan niya ng magandang buhay pamilya niya. Few of the many reasons why Daniel/KathNiel is worth stanning. So ‘yung mga kuda niyo about sa kanya/kanila, keep it for yourself na lang kasi we don’t care,” pagtatanggol ng isang netizen.

Nagpasalamat naman si Karla sa mga supporter na nagtanggol sa kanila.

“Salamat. Lahat ng family Ay broken kapag Hindi nag kakasundo. Hindi lamang dahil Hiwalay ang magulang. Importante Ay mapalaki ang mga anak na Hindi bastos At mapagkumbaba,” mensahe ni Karla.

AUTHOR PROFILE