
Karla muntik manugod ng bashers ni Daniel
Inamin ni Karla Estrada na bilang ina, labis siyang naapektuhan sa masasakit na salita na ibinato sa kanyang panganay na anak na si Daniel Padilla kaugnay ng breakup nito with Kathryn Bernardo.
Sa guesting ng aktres sa show ni Boy Abunda nitong Miyerkules, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita siya sa kontrobersiyang pinagdaanan ni DJ (Daniel).
Tinanong ni Kuya Boy si Karla kung ano ang pinamalaking kontrobersiya na pinagdaanan ni Daniel na muntik na siyang bumigay.
Sey ni Karla, “Siguro itong mga ibinatong masasakit na salita kay Daniel nitong mga nagdaang taon.”
Tanong ulit ni Kuya Boy, “Itong paghihiwalay nila?”
“Yes,” tugon ni Karla. “I think ’yung paghihiwalay kasi nila, sa kanila ni Kathryn ‘yon, eh. Sila naman ang nakakaalam talaga at sila naman ang magreresolba kung ano man ‘yung dahilan ng paghihiwalay at doon sa nangyaring hiwalayan.
“Pero ‘yung salita ng tao na halos hindi mo na makain at sobrang kabastusan kung anuman ang… medyo ‘yon ang hindi ko na kinakaya.”
Dumating na nga raw siya sa puntong gusto na niyang isa-isang hanapin ang mga basher na ito at pagsasagutin.
“But of course, kinakausap kita, kinakausap ko ‘yung iba nating kaibigan. Kaya ang pinakamaganda nating ginawa ay ipaubaya doon sa dalawa,” she said.
Samantala, natanong din si Karla tungkol sa kanyang non showbiz ex-boyfriend na si Jam Ignacio at aniya ay hindi sila magkaibigan sa ngayon.
“Ang pagpapatawad ay hindi naman overnight. So, siguro, hindi naman siya lang ‘yung pwede kong patawarin. Kailangan ko ring patawarin ‘yung sarili ko and siguro sa part niya, kailangan din niya akong patawarin.
“At pagdating ng araw, magkapatawaran and then, maging magkaibigan,” paliwanag niya.
Sa ngayon ay single si Karla matapos ang breakup sa BF pero open siya na magmahal muli.
“Walang taong makakapigil na magmahal kang muli,” sabi pa ni Momshie Karla.