Karen

Karen, umaming takot kay Korina

October 29, 2022 Ian F. Fariñas 434 views

Korina

Sa isang bihirang pagkakataon, magsasama sa iisang TV screen ang dalawa sa pinakamatagumpay na kababaihan sa media industry.

Ang multi-awarded broadcast journalist na si Karen Davila ang susunod na guest ni Korina Sanchez sa kanyang pinakabagong palabas, ang Korina Interviews.

Ang dalawa ay kabilang sa mga pinagkakatiwalaang tagapaghatid- balita sa bansa. Nakilala sila dahil sa kanilang dedikasyon, pagsusumikap at malawak na karanasan sa paghahatid ng serbisyo publiko.

Sa teaser ng Korina Interviews, makikita ang masayang kwentuhan ng dalawa. Pero hindi pa rin sila nagpahuli sa kanilang “straight forward” na mga pahayag at tanong.

Sinabi pa ni Karen na takot siya kay Korina noon samantalang tinanong naman ni Korina si Karen, “Bakit, sa palagay mo, pinag-aaway tayo?”

Alamin ang sagot ni Karen ngayong Linggo, October 30, alas-singko ng hapon, sa NET25.

AUTHOR PROFILE