Karen isang inspirasyon

June 10, 2021 Joey Aquino 303 views

MULTI- AWARD winning broadcast journalist Karen Davila is now trending.

Karen Davila

This after President Rodrigo Duterte told Senator Manny Pacquiao to “study first” before criticizing the government on foreign policies. Matatandaan na ito rin ang naging isyu ni Karen nang tanungin niya ang Senador hinggil sa kanyang college degree. Dahil dito, nagmukha siyang kontrabida kaya binash siya nang todo noon. Na tinawag pa siyang bastos dahil sa diumano’y pang-iinsulto at pamamahiya kay Pacman. Ngayon, muling nasentro ang usapin tungkol sa edukasyon nito dahil na rin sa naging pahayag ng Pangulo. Maugong kasi ang balita na tatakbo bilang Pangulo ang People’s Champ sa darating na eleksyon. Now, it seems that Karen has been vindicated on the issue. While Karen and Pacquiao have long settled the issue, netizens revived it as they get to share posts and memes related to this.

Sumabay pa ito sa interview ni Ogie Diaz kay Karen para sa You Tube channel ng una. Kaya naman hot topic ang Kapamilya news anchor. In the said interview, Karen shared about her depression saying that she almost quit because of her hoarse voice caused by hyperthyroidism. Inamin din niya na inabuso niya ang kanyang sarili sa pagtatrabaho kaya naging wake-up call ito sa kanya. Nakatulong daw ang less-work load at changed lifestyle para sa improvement ng kanyang health and wellness. Maybe, that’s her silver lining amid the network shutdown and pandemic.

Malaki ang paghanga ko kay Karen bilang journalist noon pa man. Sa katunayan, naging inspirasyon ko siya sa pagsusulat ng aking kolum. Lingid sa kaalaman ng karamihan, naranasan ko nang masampahan ng libel. Na pitong taon kung ipinaglaban. Nakakalungkot na may mga celebrities na balat sibuyas na konting kibot sinasampahan ng libel ang mga entertainment columnist gaya ko. But as I have been objective and fair in writing, truth prevailed. So, last year, I won the libel case filed against me. At noong panahon na ginigisa ako sa trial court, si Karen ang madalas kong pinapanood. Natutuhan ko sa kanya kung paano maging matapang sa pagsagot sa mga isyu.

Back to Karen, she is one of ABS-CBN’s prized news personalities. Is Karen also the network’s highest-paid female news anchor? Just asking..

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

AUTHOR PROFILE