Karen

Karen hinubaran ang totoong Marian

March 21, 2025 Jun Nardo 152 views

GUSTO ba ninyong malaman kung sino ang totoong Marian Rivera?

Isiniwalat ni Yan ang simula at hirap niya hanggang makamit ang tagumpay sa interview sa kanya ni Karen Davila na may teaser o pasilip sa kanyang Facebook account.

Ang interview ni Marian ay kaugnay ng selebrasyon ng Women’s Month.

Happy Women’s Month sa aming dear Ed (Thank you! Happy Women’s Month sa lahat ng kababaihan. — IFF).

MESTISONG HUNK PINAGDUDUDAHAN SA KILAY

NAGHANDA talaga ang isang mestisong hunk sa malaking rampahan na naganap kamakailan.

Eh, maganda ang katawan ni hunk kahit may duda sa kasarian niya, huh!

Kasi naman, bakas sa kilay ni hunk ang kaayusan ng kilay kumpara sa mga lalaki na walang pakialam. Pero si hunk, maayos at parang tattoo na ‘di nabubura, huh!

Yummy naman si hunk pero kaduda-duda dahil sa kilay niya!

’Yung mahilig sa bulalo, magugustuhan si mestisong hunk!

AUTHOR PROFILE