Vic

Karangalan si incoming ES Vic Rodriguez sa lahat ng bgy execs

June 25, 2022 Marlon Purification 132 views

Marlon PurificationMASAYA ang buong 142 barangay sa Quezon City.

Ito’y dahil sa appointment ni Atty. Vic Rodriguez bilang executive secretary ng papasok na administrasyon ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Ang pagkakatalaga kay Rodriguez bilang ‘Little President’ ay malaking karangalan para sa lahat ng barangay officials, hindi lamang sa nasabing lungsod kundi sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa mga hindi nakakaalam, dati pong barangay kagawad at naging pinaka-batang barangay captain si Atty. Rodriguez sa edad na 19-taong gulang sa District 4 ng lungsod.

“Ipinagmamalaki natin na sa hanay nating mga kagawad at kapitan ay meron tayo ngayong executive secretary. Kaya kami po ay proud na proud. Kaya kami po ay nanditong lahat para magbigay-pugay sa inyo at ipaalam sa inyo na kami ay masayang-masaya at talagang tunay na kami ay proud na ang executive secretary ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay galing sa Quezon City,” ani Cesar dela Fuente, District 3 Liga ng Barangay President nang makipagkita sila kay ES Vic kamakailan.

“At hindi lang ‘yon, nagsilbing katulad natin. Ikaw rin ang nagbibigay sa amin ng pag-asa na balang araw ay may isa sa amin ay magiging mataas na lider din ng ating pamahalaan,” sabi pa nila.

Si ES Vic, bago pa man makilala bilang magaling na abogado at tagapagsalita ni PBBM, ay 10 taon nagserbisyo sa Quezon City. Nagsimula bilang barangay kagawad hanggang sa itinanghal na pinakabatang naging barangay kapitan sa edad 19.

“In behalf of the barangays of District 4, we are proud to say na ang anak ng Distrito 4 ang magiging susunod na executive secretary ng Pilipinas. Congratulations Atty. Vic Rodriguez!,” sabi naman ni Jose Maria Rodriguez, District 4 Liga ng Barangay President.

Sa kanyang panig, buong kababaang loob na tinanggap ang parangal na ibinigay sa kanya ng mga barangay officials.

Sinabi nitong ang makita ang mga dating kaibigan at kakilala sa mga dating kasamahang barangay officials ay hindi matawarang kasiyahan dahil para ito isang homecoming para sa kanya.

Aniya, noon pa man ay matindi na ang paghanga at pagrespeto niya sa lahat ng barangay officials dahil batid nito ang hirap, pagod at sakripisyo na dinaranas para lamang magsilbi sa kani-kanilang pamayanan.

“Pagka naging barangay captain ka ng Quezon City, para kang mayor ng isang munisipyo sa probinsya. Talagang hindi ordinaryo na kayo’y naglilingkod bilang barangay captain sa Lungsod Quezon sapagkat maihahalintulad ninyo ang inyong mga sarili sa isang municipal mayor down south or up north in terms of land area, in terms of productivity, in terms of the number of commercial establishments that are operating in your respective jurisdictions. So talagang you should be proud that you are serving our beloved city – Quezon City,” sabi pa niya.

Nagpaabot din ng pasasalamat si ES Vic sa lahat ng barangay officials dahil sa ‘overwhelming votes’ na nakuha ng Pangulong Marcos sa nakalipas na eleksiyon.

Bilang ganti, tiniyak ng incoming Executive Secretary na umasa ang lahat ng barangay officials na ibibigay ng Marcos administration ang lahat ng suporta sa kanila, hindi lamang sa Quezon City kundi sa buong Pilipinas mismo.

“There is again a call to serve the nation…You cannot say No to a President who asked you to serve with him. So naririto ulit ako at tinanggap ang hamon…At sa paglilingkod na ‘yan sa mas malawak na constituency, buong Pilipinas, at sa mas mataas na antas, makaka-asa kayo kayo na kung anuman ang maitutulong ni Pangulong Bongbong Marcos, ipaabot lang po ninyo at kung ating kayang agad tugunan, ating tutugunan agad ‘yan, hindi lang dito sa Quezon City, kung hindi sa bawat sulok ng ating mahal na Pilipinas,” pangako pa ni ES Vic.

“One of the good traits of Pres. Bongbong Marcos is that he can look beyond political colors, he can look beyond politics… it is very clear to him that he will serve, not just the more than 31-million Filipinos who voted for him, he is now the leader, he is now the representation, he is now the President of the 110-million Filipinos out there. So, kami ay nanghihingi ng inyong taos-pusong suporta at maraming panalangin sapagkat alam namin na napakataas ng expectation ng sambayanang Pilipino sa liderato ng susunod na Pangulo, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,” dagdag pa nito.

Kasabay nito, inihayag na rin ni ES Vic ang plano ng Pangulong Marcos na posibleng pahabain hanggang limang taon na ngayon ang termino ng bawat barangay officials.

“We are studying thoroughly the plus and the minuses of spending or calling fo elections and there is nothing definite yet,” ani Rodriguez.

“But we are open to all options that are being presented to us including the possibility of passing a law making the term of barangay captains to five years, still subject to three terms,” pahayag pa nito.

Ang planong ito ay tiyak na ikatutuwa ng lahat ng barangay officials sa buong bansa.

Naniniwala tayong sa nalalapit na pag-upo sa Malakanyang ng Pangulong Marcos higit pang mapapaganda ang programa para sa ating mga barangay, lalo na’t ang isang katulad ni Atty. Vic ang nasa likod ni PBBM na tunay na may malasakit sa mga dating kasamahang barangay officials.

Kaya naman bukod sa tuwa, tunay nilang ipinagmamalaki si ES Vic na isang karangalan para sa lahat ang maging bastonero ng Pangulong Marcos sa Malakanyang umpisa sa darating na tanghaling tapat ng June 30, Huwebes kung saan ay manunumpa na bilang ika-17 presidente ng Pilipinas si PBBM.