Karanasan ni Sandro magsisilbing aral sa iba
NAGBIGAY na ng official statement ang actor-entrepreneur at dating `child wonder’ na si Nino Muhlach, ama ng Sparkle artist na si Sandro Muhlach matapos itong dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) last Friday, August 2, 2024 na may kinalaman sa ginawang `kahalayan’ ng dawalang pinangalanang `independent contractors’ ng GMA Network na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
“Our family has suffered so much because of the unspeakable and vile acts done to our son. We ask for your prayers to help us muster enough strength and courage to withstand the horror of re-living the dastardly acts of the perpetrators as we seek justice through our legal system.
“Thank you for all your support and kind words and your gracious gift of space.
“We truly appreciate it.”
Nino Muhlach
Earlier ay nagbigay din ng opisyal na pahayag ang GMA na may kinalaman sa nasabing kaso na kinasasangkutan ng kanilang dalawang `independent contractors’. Nagsasagawa na rin umano ang GMA ng sarili nilang imbestigasyon hinggil dito.
Hindi man maganda ang naging karanasan ni Sandro, magsilbi rin sana itong aral sa marami na may ganitong kahalayang ginagawa sa kanilang mga innocent victims na walang boses na magreklamo katulad ng anak ni Nino.
Matagal na rin kaming nakakarinig ng ganitong sitwasyon sa showbiz pero walang boses at kapasidad ang mga pobreng young actors and talents at ang kanilang magulang na magsalita at pumalag.
This has to stop.
Samantala, kahit nagsasagawa na ng sariling imbestigasyon ang GMA at nakapag-file na ng criminal charges sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kampo ni Sandro, magkakaroon umano ng Senate inquiry sa darating na Lunes, August 5 na pangungunahan nina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Robin Padilla na may kinalaman sa nasabing kaso.
Sandro is being represented by Atty. Czarina G. Quintanilla-Raz ng Puno and Puno Law Offices.
Jeffrey naghihintay ng tamang pnahon kay Geneva
NAKATUTUWA ang special friendship ng dating Smokey Mountain members na sina Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo na madalas mapagkamalang may relasyon but they insist that they’re just the best of friends at parang magkapatid ang turingan.
Si Geneva ay tila walang suwerte sa pag-ibig. Dalawang beses na siyang nahiwalay sa asawa – sa kanyang first husband, ang singer-songwriter and musician na si Paco Arespacochaga kung kanino siya may isang anak na si Heaven na isa ring singer-songwriter at rapper sa Amerika. Her second ex-husband ay ang TV personality, host and actor na si KC Montero habang nahiwalay din siya sa ama ng kanyang bunsong anak na si London kung kanino siya engaged before.
Jeffrey has never been married at umaming nanligaw siya kay Geneva noon pero nabasted umano siya but through the years ay nanatili silang close na magkaibigan hanggang ngayon. Katunayan, Jeffrey is very close sa pamilya ni Geneva lalung-lalo na sa kanyang bunsong anak na si London at gayundin din ang singer-actress sa pamilya ni Jeffrey.
Si Geneva ang naging special guest ni Jeffrey when he mounted his Birthday Bash concert at Viva Café last Friday, August 2.
Even on stage ay makikita ang pagiging extra sweet ng dalawa sa isa’t isa kaya madalas silang mapagkamalang magkarelasyon.
Tulad ng dating mag-asawang Pops Fernandez at Martin Nievera, magka-loveteam on stage sina Geneva at Jeffrey at kakaiba ang kanilang chemistry.
Habang pareho pa ring in-demand ang dalawa bilang solo artists, si Jeffrey na isang chemical engineer ay kayang i-manage ang sarili as a singer at movie director at bilang isang entrepreneur.
Samantala, may nagbiro na naghihintay lamang ng tamang panahon si Jeffrey na ligawang muli si Geneva ngayong single itong muli.
Diana nagbabalik-showbiz
HALOS limang taon ding namirmihan sa Australia ang actress na si Diana Zubiri with his Australian husband na si Andy Smith at mga anak. Ngayon ay nagbalik ng Pilipinas ang pamilya ni aktres.
Taong 2019 ang huling TV series ni Diana, ang “Beautiful Justice” at same year din ang huli niyang movie na “Mystified” which also starred her former co-stars sa “Encantadia” na sina Iza Calzado, Karylle at Sunshine Dizon na silang apat ang nag-produce under Sang’gre Productions, Inc. The fantasy movie was written and directed by Mark A. Reyes at ipinalabas sa streaming platform ng iFlix.
Diana was 8 years old nang iwan sila ng kanyang nakatatandang kapatid ng kanilang ama kaya mag-isa silang itinaguyod ng kanilang ina who remarried at nagkaroon sila ng isang half-sister.
Dahil sa kahirapan, Diana was only in her mid teens nang magplano siyang magtrabaho sa Japan pero ito’y naunahan ng Seiko Films producer na si Robbie Tan who immediately signed her up ang built her up as a sexy star.
Ang kanyang real name na Rosemarie Joy Garcia ay ginawang Diana Zubiri ni Robbie Tan at ito’y nag-click.
When Seiko Films stopped producing movies in 2007, naging free lancer si Diana at gumawa siya ng film projects sa iba’t ibang movie compaies including Regal Films and OctoArts Films. Hindi naglaon ay pumirma siya ng exclusive contract with GMA Artists Center (now Sparkle) where she was packaged bilang wholesome star.
Isa sa mga major TV series na ginawa ni Diana sa bakuran ng GMA ay ang “Encantadia” where she played the role of Sang’gre Dayana which is being remade by the Kapuso network with Bianca Umali playing Diana’s role. Naging bahagi rin siya ng top-rating and longest-running gag show ng GMA, ang “Bubble Gang” na pinagbibidahan ni Michael V. na siyang creative director ng programa.
Hindi ikinakaila ni Diana na sobra umano niyang na-miss ang pag-arte habang siya’y nasa Australia with her family at excited na siya sa kanyang muling pagbabalik.
Si Diana ay bahagi ng bagong serye na ginagawa ngayon ng Kapuso Network, ang “Mga Batang Riles”kung saan tampok sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Byria, Bruce Roeland, Antonio Vinzon at Sephanie. Kasama rin sa serye sina Desiree del Valle, Jay Manalo, ang controversial veteran actress na si Eva Darren at ang nagbabalik sa acting, ang dating action star-producer na si Ronnie Ricketts.
Isa sa hindi malilimutan kay Diana ay ang kanyang controverial photo shoot for pictorial ng FHM Magazine sa may EDSA flyover in Mandaluyong nung October 29, 2002 clad in her sexy bra and bikini na naging daan ng pagsita sa kanila ng mayor pa noon ng Mandaluyong na si former mayor Benjamin Abalos pero humingi ng apology ang FHM Magazine na tinanggap naman ng mayor. Ang nasabing insidente ay umabot sa New York Times sa Amerika nung November 7, 2002.
Nakita namin si Diana and her family sa National Hopia Day celebration na ginanap sa Music Hall ng SM Mall of Asia kamakailan lamang.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.