Kapuso stars

Kapuso stars, sunud-sunod na nagpapabakuna

June 15, 2021 People's Tonight 173 views

Nagsimula na ang vaccination program para sa A4 category o iyong mga kabilang sa nagtatrabaho sa labas ng kanilang mga tahanan gaya na lang mga nasa entertainment industry.

Kasabay nito ay parami na rin nang parami ang Kapuso personalities na nabakunahan na kontra COVID-19 gaya na lang nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Ai-Ai de las Alas, Glaiza de Castro, Drew Arellano, Iya Villania, Wendell Ramos, Mike Tan, Suzi Entrata-Abrera at Boobay.

Magandang halimbawa na makita ang pagpapabakuna na ito ng mga artista upang mahikayat ang ilang nag-aalinlangan pang magpabakuna o ‘di kaya’y wala pang sapat na kaalaman sa vaccination procedures sa kani-kanilang lungsod.

Katunayan, natuwa rin ang netizens na makita ang ilang celebrities na nagpapabukana lalo pa at hindi lang ito para protektahan ang kanilang sarili sa coronavirus kundi makakatulong din pati na sa kaligtasan ng karamihan.

‘Family History,’ Father’s Day offering ng GMA

Mapapanood na sa TV sa unang pagkakataon ang directorial debut film ng Kapuso comedian at content creator na si Michael V. na Family History ngayong Linggo, Hunyo 20, eksakto sa selebrasyon ng Father’s Day.

Inanunsyo ito ni Bitoy sa kanyang Instagram: “‘FAMILY HISTORY’ airs on GMA Free TV on June 20, Father’s Day.”

Muling balikan ang kuwento ni Alex dela Cruz (Michael V.) at ang pagbabago sa buhay ng kanilang pamilya nang magka-cancer ang asawang si May (Dawn Zulueta).

Matatandaang nag-uwi ang family drama ng award na Natatanging Pelikulang Pampamilya sa 4th Guild of Educators, Mentors and Students (GEMS) Awards last year.

Huwag palampasin ang Family History ngayong Linggo sa GMA Blockbusters, pagtapos ng All-Out Sundays.

AUTHOR PROFILE