GMA

Kapuso Foundation, tumanggap ng P1.4M sa GMA Gala

August 8, 2022 Ian F. Fariñas 385 views

Naging major part ng GMA Thanksgiving Gala noong July 30 ang pagbibibigay ng proceeds nito sa GMA Kapuso Foundation (GMAKF).

Sa tulong ng sponsors at donors, nakalikom ang magarbong event ng P1.4 million na gagamitin para sa pagpapatayo ng mga eskwelahang napinsala ng lindol sa Abra kamakailan. Magsisilbi rin itong pondo para sa pagpapagawa ng classrooms sa Magallanes Elementary School sa Limasawa Island, Southern Leyte.

Idinaos sa GMA Gala Night ang turnover ceremony kasama ang Kapuso stars na sina Alden Richards at Heart Evangelista bilang kinatawan ng GMA Network. Ibinigay ang donasyon kina GMAKF Founder and Ambassador Mel Tiangco at GMAKF EVP and COO Rikki Escudero-Catibog.

Sa gitna ng bonggang pagdiriwang ng 72ndanniversary ng GMA, hindi pa rin ito nakalilimot na mamahagi ng blessings sa mga Pilipino kaya naman patuloy ang kanilang tagumpay sa mga nagdaang taon.

AUTHOR PROFILE