Janna

Kapuso comedienne, ipinagluluksa ang pagpanaw ng anak

October 9, 2023 Vinia Vivar 724 views

Nagluluksa ang Kapuso comedienne na si Janna Rodriguez dahil sa pagpanaw ng kanyang 21-anyos na anak na si Yzabel Ablan noong Oct. 7.

Inanunsyo ni Janna ang malungkot na balita sa Instagram.

“It is with a heavy heart that we announce the passing of our beloved Yzabel Ablan.

“She has touched so many lives and she has been an inspiration to many.

“We will be holding her wake from October 8 to October 12 at La Pieta Funeral Homes, Angeles, Pampanga. We invite those who wish to pay their respects and celebrate her life to visit.

“Knowing Yza it will mean a lot to her,” ang pahayag ni Janna.

Ayon sa Pepito Manaloto star, heart failure and lung infection ang dahilan ng pagpanaw ng panganay na anak.

“For those who are asking, Our Daughter Passed away because of a sudden heart failure and lung infection.

“Sa sobrang ayaw nya nakaka abala ng ibang tao hindi nya sinabi samen mga nararamdaman nya.

“Nag pa check up sya the day before and doctor gave her meds na kaya iniisip namen ok na. Then bigla nlang ganon,” kwento ni Janna.

“She was at her condo in manila when she suddenly had a hard time breathing kasama nya Yaya ate Iyn nya that time. Ate Iyn called us kaya dumiretcho na kme agad ng manila. Pero wala after multiple attempts to revive her wala na tlag. God called her back home na,” patuloy ng komedyana.

“We Love you our Chabelits so much,” mensahe niya sa yumaong anak.

Isang araw bago ang pagpanaw ni Yzabel ay inanunsyo pa ni Janna ang magandang balita na isinilang na niya ang kanyang fourth baby na si Leon.

Ipinost niya sa IG ang bagong silang na sanggol at caption niya, “my brave Leon.”

AUTHOR PROFILE