Bostik

Kapit na sa El Kapitan!

August 3, 2021 People's Tonight 479 views

KAPITAN, siya ay kinikilalang lider ng isang pangkat ng mga mandaragat. Sa kanya kumakapit ang kanyang mga kasama at buong tiwala ang kanilang binibigay para mapagtagumpayan ang paglalakbay.

Pagdating sa simpleng buhay may mga kapitan ng kani-kanilang sariling paglalakbaykung saan kanilang buong tapang na sinasalubong ang alon at hinaharap ang kahit anong hamon– isa na diyan ang ating mga munting mangingisda.

Makapit sila sa pag-asang kanilang mabibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilyasa pamamagitan ng kanilang pagsisikap sa kanilang trabaho – kaya dapat lagi silang may kakampi, ‘yung hinding-hindi sila iiwan.

Isa na ang Bostik El Kapitan.

Muling pinapakilala ng Bostik Philippines ang Epoxy Range o ang Samahan ng Palaban para matulungan ang ating mga mangingisda at mga bangkero at kabilang na rito ang Bostik Epoxy El Kapitan.

Ang El Kapitan ay isang klase ng Marine epoxy na ginagamit para sa surfacing compound bond repair ng mga wooden boats, marine plywoods at iba pang construction at furniture applications. Ginagawang makapit ng El Kapitan ang ang mga materials na ito dahil ito rin ay resistant sa tubig, organic solvents, acid, alkalis at iba pang chemicals – madali rin itong ihalo at ipahid kaya talagang sulit na sulit.

Sa El Kapitan, pwede mo itong haluaan ng pintura para sakto sa kulay na iyong bankgka, flexible pa.

Para sa ating mga kapatid na mangingisda, doon na tayo sa makapit – Bostik Epoxy, El Kapitan.

Suportahan ang Bostik Epoxy, Samahan ng palaban at abangang ang iba’t ibang promo na ihahatid ng Bostik Philippines.

AUTHOR PROFILE