Dr. Michael Aragon

Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, inilunsad

August 21, 2022 People's Tonight 2949 views

INILUNSAD ni Dr. Michael Raymond Aragon at mga kasama ang Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMP) bilang pagkilala sa kahalagahan ng mga social media practitioners at influencers.

Ayon kay Doc Aragon, sa mga susunod na panahon, makikita ang lakas ng kanilang samahan dahilan sa pag-angat ng social media. Gayunman, hindi naman ito nangangahulugan na nais nilang banggain ang mga nauna nang kilalang medium. In fact, ang gusto nila ay pagtutulungan.

Ang KSMP ay magsisilbing gabay para sa mga nais i-professionalize ang pagiging social media practitioner. Bukod pa rito, nakahanda silang tumulong para sa mga may talino sa iba’t ibang larangan ng entertainment.

Bukod sa pagsasanay sa mga nagnanais na pumasok sa social media bilang propesyon, nagbukas din sila ng acting workshop na makatutulong upang mas maging confident ang isang indibiduwal. May film division ang KSMP kung saan maaring ilagay ang isang matutuklasang tunay na may talino sa pag-arte. In fact, ang pelikulang ginawa ng KSMP film division, ang ‘Umbra’ na dinirek ng young filmmaker na si Jeremiah Palad ay nanalo na ng dalawang international awards.

Kung mahilig namang maging disc jockey o announcer ang isang talento, bukas din ang kanilang programa sa DWBL, 1242 KHZ sa AM band, mula Lunes hanggang Biyernes, ika-7 hanggang ika-8:30 ng gabi. Napapanood din ito sa Youtube channel ng KSMP.

Isang adbokasya ng Clean Air Act Philippines, inihahanda na rin ni Doc Mike ang Bamboostock, isang musical event na inspired ng Woodstock noong 70s sa Amerika, na gagawin naman sa Guimaras.

Marami pang gustong gawin si Doc Mike para sa KSMP at sa libu-libong miyembro nito sa buong Pilipinas at dahil sa paglakas ng social media ngayon, alam niyang nasa tamang landas sila.

AUTHOR PROFILE