
Kapamilya stars, nagpabonggahan sa ABS-CBN Ball
After a four-year hiatus ay nagbalik ang ABS-CBN Ball kaya naman talagang pinaghandaan ito ng network pati na rin ng lahat ng Kapamilya stars na dumalo.
Pabonggahan ng kasuotan at gowns ang Kapamilya stars sa nasabing ball na ginanap last Saturday, Sept. 30, sa Makati Shangri-La Hotel.
Isa sa mga nakaw-eksenang female stars that night ay si Kim Chiu wearing a skin-toned, see-trough gown by Francis Libiran na talaga namang agaw-pansin dahil naka-expose ang kanyang skin.
For the first time ay solo siyang lumakad sa red carpet at hindi niya kasama ang boyfriend na si Xian Lim.
Just like Kim, napaka-daring din ng kasuotan ni Kathryn Bernardo by Mark Bumgarner. Actually, hindi nga nagkakalayo ang cut ng kanilang gowns.
Sexy din ang suot ni Julia Barretto in an all-black gown by Saint Laurent na ayon sa host na si Bianca Gonzales ay inilipad pa mula sa ibang bansa.
Sa nasabing OOTD ng aktres ay naka-expose naman ang kanyang abs. Kasama niyang rumampa sa red carpet ang boyfriend na si Gerald Anderson.
Winner din si Andrea Brillantes in her red Michael Leyva gown at napaka-stunning niya talaga that night. True to her words, solo siyang dumalo sa Ball at walang kasamang date.
Ang ganda-ganda rin ni Belle Mariano sa kanyang champagne gown by Michael Leyva. Bagay na bagay sa kanya at mukha siyang prinsesa.
Sa Kapamilya male stars naman, ilan sa mga hinangaan sa kanilang suot ay sina Daniel Padilla, Gerald Anderson, Joshua Garcia, Donny Pangilinan at marami pang iba.
Sa mga celebrity couple, agaw-pansin ang pagdalo ng mag-asawang Maja Salvador and Rambo Nuñez fresh from their honeymoon, Darren Espanto with Cassy Legaspi in her first ABS-CBN Ball,
Sam Milby and Catriona Gray in their first ball as an engaged couple, Coco Martin at Julia Montes na magka-holding hands pang rumampa sa red carpet, new parents Luis Manzano and Jessy
Mendiola, ang bagong magkarelasyong sina Carlo Aquino at Charlie Dizon gayundin sina Jake Cuenca at Chie Filomeno, Vice Ganda at Ion Perez, Kim Jones at Jericho Rosales, long-time couple and onscreen partners, KathNiel at ang magka-loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Isa pang “first” sa ABS-CBN Ball ay ang pagdalo ng mga Kapuso executive na sina Atty. Annette Gozon-Valdez with her father, GMA chairman and CEO Felipe Gozon.
Matatandaang sa kauna-unahang pagkakataon ay dumalo rin ang ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak at Cory Vidanes sa GMA Gala 2023 last July.
Ang isa pang inabangan sa nasabing okasyon ay ang winners ng special awards tulad ng Star of the Night at Power Couple of the Ball. Nagkaroon ng online voting ang fans via YouTube and KTX.
Nakuha ng DonBelle loveteam ang dalawang major awards.
Itinanghal namang Male and Female Best-Dressed sina Kathryn at Joshua Garcia habang ang Star Magic Fan Favorite award ay naiuwi nina Anj Salvacion at Eian Rances.