Kapamilya

‘Kapamilya Himig Handog,’ wagi ng award

August 27, 2022 People's Tonight 353 views

Wagi ng Philippine Quill Award ang “Kapamilya Himig Handog,” ang unang employee songwriting competition ng ABS-CBN kung saan nakapaglunsad ang Star Music ng EP na OPM Fresh Songwriters Series Vol. 1 tampok ang mga awiting kinanta ng mga sikat na artist na sinulat ng mga employee composer.

Kabilang sa EP ang mga awiting Kaya Pala ni Jona (sinulat ni Jane Abaday), Sleep Tonight ni Trisha Denise (sinulat ni Mark Marcos), Mahiwaga nina Bugoy Drilon at Liezel Garcia (sinulat nina Michelle Saubon at Michael Obregoso), Ikaw Na Lang Ang Kulang ni Kyla (sinulat nina Kitte Estabillo at Paul Armesin) at Stop Missing You ni Maris Racal (sinulat ni Mycah Borja).

Dahil sa “Kapamilya Himig Handog,” natupad ang pangarap ng mga aspiring employee composer na mapakinggan ng mundo ang kanilang mga awitin dahil available na ang EP sa Amazon Music, Apple Music, Deezer, Spotify at YouTube.

Hango sa kilalang nationwide songwriting contest na “Himig Handog” ang internal communications contest na nag-udyok sa aspiring employee songwriters na lumikha ng mga makabuluhang kanta at makilala ng Star Music.

Pinararangalan ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines taun-taon ang mahuhusay na mga programang pang-komunikasayon ng iba’t ibang organisasyon sa bansa sa Philippine Quill Awards.

Kinilala rin ng mundo ang “Kapamilya Himig Handog” matapos itong makasungkit ng international Gold Quill Award ng International Association of Business Communicators sa Excellence Gala Night sa New York, USA noong Hunyo. Ni Mercy Lejarde

AUTHOR PROFILE