Default Thumbnail

Kano natagpuang patay sa hotel

February 24, 2024 Bernard Galang 134 views

PATAY na ng matagpuan ang isang Amerikanong turista sa hotel noong Biyernes sa Angeles City, Pampanga, ayon kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr.

Natagpuan ng hotel housekeeper na si Joshua dela Cruz at Ricardo Smith Arevalo, security guard, ang nasawi na si Robert James, 76, na naka-billet sa Valentino Hotel sa Gloria St., Brgy. Balibago, Angeles City.

Napilitan ang dalawa na pwersahang pasukin ang room ng biktima dahil hindi pa siya lumalabas simula noong Peb. 18.

Hindi rin sumasagot sa pinto nang kumatok ng ilang beses ang mga hotel staff.

Sa inisyal na inspeksyon, intact ang lahat ng gamit ni James at walang bakas ng pagpupumiglas sa silid.

AUTHOR PROFILE