Fernandez House Committee on Public Order and Safety chairman at Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez

Kampo ni Quiboloy pinayuhan: Careful, careful sa mga pahayag

September 9, 2024 People's Tonight 125 views

PINUNA at pinayuhan ni House Committee on Public Order and Safety chairman at Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez ang kampo ni Pastor Apollo Quiboloy na maging mas mapanuri at mag-ingat sa paglalabas ng kaugnay ng kinakaharap nitong kaso.

“Saan ka nakakita ng kaso na kung saan nahuli na ‘yung suspect, entitled pa ‘yung abogado niya na tawaging epal ‘yung may kustodiya ng kliyente niya?” ani Fernandez, na tumutukoy sa inilabas na pahayag ng abugado ng pastor na si Ferdinand Topacio.

“Pastor Quiboloy fell in the hands of authorities. He is facing charges of sexual abuse and human trafficking. He hid like a scared rat inside his compound. Those facts are beyond question,” saad ni Fernandez.

Linggo ng gabi nang maglabas ng pahayag si Topacio na nagsasabing walang kinalaman ang Philippine National Police (PNP) na nasa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa paghuli sa kanyang kliyente.

“He was not arrested, especially not by the [PNP] under the DILG. Therefore, it is epal to the highest level for Sec. Abalos to be seemingly taking credit for the non-existent arrest,” ayon kay Topacio.

Sinabi ni Fernandez, ang nangyari sa loob ng compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City ay maaaring lumala at humantong sa mas matinding karahasan kung hindi dahil sa maingat na mga hakbang na ipinatupad ng DILG at PNP.

“Secretary Benhur Abalos and the police force deserve all the praise for Quiboloy’s capture. This was the best-case scenario dahil hindi na naging mas magulo pa,” ayon kay Fernandez.

“It would be in Quiboloy’s best interest if his brilliant lawyer is now thinking of his defense rather than another petty potshot at the authorities who have control,” dagdag pa ng kongresista.

AUTHOR PROFILE