Luis Manzano

Kampo ni Luis, dumepensa sa isyu ng investment scam

February 3, 2023 Jun Nardo 594 views

SUMABAY talaga ang issue kay Luis Manzano nang ipasilip niya ang mukha ng anak nila ni Jessy Mendiola na si Baby Rosie.

Inaakusahan si Luis na sangkot sa investment scam nang mag-invest sa negsoyo na itinayo niya na may kinalaman sa fuel.

Dumepensa ang mga taong malapit kay Luis. Balitang may isang good friend na siyang involved sa investment na ito.

Sa totoo lang, wala kaming natatandaang palyado na ginawa si Luis, lalo na ’pag pera ang sangkot.

Ang laki-laki kasi ng perang involved, ayon sa reports.

Totoo man o hindi, kailangang linawin ni Luis ang pangalan na walang pa kaming nalamang bahid mula nang pumasok siya sa showbiz.

Ayaw ng Star for All Seasons na si Ate Vi sa ganyang gulo, huh!

Lalo na ang dad niyang si Edu Manzano.

AUTHOR PROFILE