Vic Reyes

Kampanya vs korapsyon, katiwalian paigtingin!

December 1, 2024 Vic Reyes 246 views

ISANG magandang araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na diyan sa bansang Japan.

Binabati natin ang mga kabayan natin na sina: Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki, Winger dela Cruz, Endo Yumi, Glenn Raganas, Tata Yap Yamazaki, Hiroki Hayashi, La Dy Pinky, at siyempre si Hiroshi Katsumata na walang sawang sumusuporta sa mga kababayan natin sa Japan.

Mabuhay kayong lahat!

***

Marami ang naniniwala na panahon na para ipokus ng gobyerno ang anti-smuggling drive sa outright smuggling.

Sa dami ng mga nasasakoteng kontrabando sa iba’t ibang parte ng bansa, imposibleng nakakalusot lang ang mga ito sa pamamagitan ng technical smuggling.

Kung may makalusot sa pamamagitan ng technical smuggling ay kaunti lang ang mga ito.

Mahirap ng magpalusot sa mga port of entry dahil mahigpit na ang mga taga-Bureau of Customs (BOC) sa pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Nandiyan ang mga scanning machines, sniffing dogs at iba pang anti-smuggling measures na ipinapatutupad ng BOC.

Nandiyan ang mga CCTV cameras na nagkalat sa mga opisina ng BOC para bantayan ang mga opisyal at kawani ng ahensiya.

Ang problema lang ay kulang na kulang ang mga patrol boats at tauhan ng gobyerno para bantayan ang libu-libong isla sa bansa.

Lalo na sa Mindanao. Sa tingin ng marami ay malayang nakakapasok sa bansa ang mga kontrabando sa bansa.

Hindi sa kapabayaan ng mga otoridad kundi dahil sa kakulangan ng manpower at ibang resources ng gobyerno.

Gusto man nilang bantayan ang mga islang puwedeng pagdaungan ng mga barko ng mga ismagler ay hindi puwede.

Isa pa, nandiyan pa ang problema sa West Philippine Sea (WPS) na kung saan abala ang ating mga barko sa pagbabantay.

Hindi puwedeng pabayaan ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard at Philippine National Police ang WPS dahil involved dito ang national security.

Sana dagdagan ng Kongreso ang budget ng BOC para makabili ito ng maraming patrol boats na magbabantay sa mga isla natin.

Hindi puwedeng PN, PCG at PNP lang ang magpapatupad sa mga batas laban sa ismagling sa mga karagatan natin.

Trabaho ito ng BOC. Tama ba kami, Commissioner Rubio?

***

Ang kailangan siguro ay lalong maghigpit ang mga otoridad upang masarhan ang mga leakages para lumaki ang taxes at taripa na papasok sa kaban ng bayan.

Kailangan din paigtingin pa ng gobyerno ang kampanya nito sa korapsyon at katiwalian.

Dapat mawala ang mga magnanakaw at tiwali sa mga opisina ng gobyerno, kasama na ang BOC at Bureau of Internal Revenue.

Hanggat nandiyan ang mga walanghiya sa mga ahensiya sa gobyerno ay talagang magsu-suffer ang revenue generation program ng administrasyon.

Hindi ba, Finance Secretary Ralph Recto?

(Para sa inying komento at pagbati, mag-text sa # 63 9178624484. Ilagay lang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE