Brixton Naglunsad ang Brixton Hills Volunteers Fire Brigade ng “kontra sunog” motorcade ng mga fire truck sa buong Metro Manila mula sa Magallanes Drive, Intramuros sa Maynila. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Kampanya kontra sunog mula sa Brixton Hills fire volunteers

March 19, 2022 Jonjon Reyes 282 views

KAMAKAILAN ay naglunsad ang grupo ng Brixton Hills Volunteers Fire Brigade sa pamumuno nina President Anthony Choi; Vincent Chan, Fire Chief; Eric Sy, Deputy Fire Chief; at Jerome Tang sa pag-iikot ng mga fire truck sa buong Metro Manila bilang kampanya ng kaligtasan sa sunog.

Nitong Marso inumpisahan ang parada bilang paggunita sa “Fire Prevention Month” at kabilang din sa mga lumahok sa nasabing motorcade ang iba pang mga opisyal at miyembro na boluntaryo ng EMS team magmula sa Magallanes Drive, Intramuros Maynila para sa isang kick-off ceremony ng parada.

Nagbigay suporta naman ang pamunuan ng MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) Taskforce EDSA Chief Col. Edison “Bong” Nebrija upang saksihan ang aktibidad at parada ng mga fire truck sa National Capital Region (NCR). Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE