Kalusugan, essential na alagaan after the pandemic — Marian
PROPER time management. ‘Yan ang sagot ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa mga nagtatanong kung paano niya napagkakasya ang oras sa dami ng ginagawa niya lately.
As we all know, bukod sa proyektong pinagsasamahan nila ni Gabby Concepcion sa Kapuso network, eh, balik-tambalan din sila ng mister niyang si Dingdong Dantes para sa 2023 Metro Manila Film Festival entry na Rewind.
Off set, meron din siyang iba’t ibang endorsement shoots, pictorials at personal appearances na dinadaluhan.
Kaya naman paliwanag ni Marian sa katatapos na Solmux Advance Jam ng Unilab, Inc. na ginanap sa SM The Block Atrium, “Time management talaga. ‘Yun ang pinakaimportante. So, kahit na busy for the schedule, basta meron pa ring schedule for the family which is every Sunday. We go to church, labas with the family and kasama ‘yung mga kids. Hindi pwedeng wala. Hindi pwedeng dire-diretso. Kailangan may time pa rin for the family.”
Bilang kilala rin siyang health advocate, tip ng aktres sa audience, health ang isa sa mga pinakaimportante na kailangan ng masusing pag-aalaga.
Ayon kay Marian, “Siguro ‘yung pagiging healthy essential na ‘yan after the pandemic. Kailangan alam natin how to take care of ourselves, our family. So, alam mo na ‘yan ang piority ko, especially, alam mo na, pabagu-bago ang panahon ngayon, so kailangan talaga lagi kang advance mag-isip. May uubo pa lang, bigyan mo na agad ng Solmux Advance Suspension (na may dobleng amount ng Zinc).”
Maliban kay Marian, dumalo rin sa Solmux Advance Jam event ang influencers na sina CK de Leon, Charlize Ruth at Dr. Rex Macalintal.
Nagsilbi namang hosts sina Mikey Bustos at Dr. Kilimanguru.
Bukod sa pakikipag-showdown sa fans at mallgoers ng kanyang viral TikTok dance na Sabay-Sabay Tayo at Price Tag, eh, tumayo rin ang aktres bilang isa sa mga hurado sa singing competition kung saan tamang nginig at swabeng boses lamang ang naging labanan.
“Ang ubo, parang apoy ‘yan, mabilis lumala. Kapag hindi naalagaan baka maging flu, pneumonia o bronchitis. Kaya dapat alagaan, dapat advance. Kaya naman talagang kahit sa pamilya ko,
Solmux Advance ang laging naka-stock sa bahay,” paalalang muli ni Marian sa fans.