Kakaibang ligawan nina Andrea at Ricci

April 11, 2022 Aster Amoyo 88 views

NAGING topic sa different social media platforms last Saturday dahil sa paghingi ng permiso ng shooting guard ng UP Shooting Maroons na si Ricci Rivero sa nililigawan niyang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

“I just want to ask Blythe (nickname ni Andrea), to be my girlfriend,” sabi ni Ricci sa sidecourt ng MOA Arena.

Hindi naman nagpakiyeme ang 19-year-old Kapamilya actress kung sumagot ng yes sa tanong ni Ricci.

Nag- I love you rin popular na UAAP player bago lumabas ng court.

Sa verified Twitter account (@_ricciiirivero) ni Ricci, nagpost ito ng nakakilig na shoutout na “GOT TWO WINS TODAY! at sinamahan pa ng hashtag na #UPFight at salitang TAKEN.

Double victory nga si Ricci dahil bukod sa panalo ng UP Shooting Maroons versus Far Eastern University ay officially couple na sila ni Andrea.

Sa verified Facebook page naman ni Blythe kung saan meron itong mahigit 17M followers, ipinost ng aktres ang sunflower bouquet at suot ang shirt na merong nakasulat na yes!

Winika ni Andrea (published as is), “First time kong manood ng UAAP di ko inaasahang magkaka- boyfriend pa ako. Grabe naman yun Lord!”

Ano kaya ang magiging reaction ni Seth Fedelin, ang ka-loveteam ni Andrea sa ABS-CBN sa pangyayaring ito?

May mga fans na nagpahayag na si Seth pa rin ang gusto nila for Andrea.

Anne balik na sa concert scene

BALIK na ang sigla ng live concert scene.

Unang sasabak sa concert sa Newport Performing Arts Center sina Jamie Rivera at Basil Valdez sa April 30.

Susundan ito ng Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid na gaganapin sa June 17 and 18.

Hindi naman magpapakabog si Anne Curtis dahil magkakaroon din ng concert ang brand new mommy sa June 11 at 8 p.m. sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila. The concert is titled LUVANNE!

Matagal daw na pinag-isipan ang muling pagtuntong sa concert stage.

“I’ve decided to go all out and celebrate to the fullest by finally seeing everyone in person. I miss the energy, the noise, the screams, of course SINGING!

“I’m so excited (and nervous) but let’s go and have a night of fun!!! Hoping to see all of your lovely faces there sweethearts! x LUVANNE na LUVANNE na to!!! For inquiries, call VIVA (0908) 814-4601, Resorts World Manila (0917) 658-9378 or (0917) 872-8309.”

Unang nag-concert si Anne sa Araneta Coliseum at nagkaroon pa ito ng repeat na dinumog ng kanyang mga fans.

Hindi man bonggang-bonggang ang singing voice ni Anne pero panalo naman ang concert in terms of production values.

At saka mapupuri mo ang effort ni Anne to entertain her audience. Kaya expect na dadagsain ng fans ni Anne ang pagbabalik niya sa concert stage sa Newport Performing Arts Theatre.

KC mas piniling bumalik sa Amerika kaysa tumulong sa campaign ni Kiko

SA halip na tumulong sa kampanya ni VP aspirant Kiko Pangilinan, mas pinili ni KC Concepcion na bumalik ng Amerika dahil may trabaho siya roon.

May gagawin movie si KC kung saan magkakaroon ng cameo appearance si Tony Labrusca.

Ngayon lang magkakasama sa isang project sina KC at Tony although nag-meet na daw ang dalawa before dahil may common friends daw ang dalawa.

Sa isang dinner daw which was sponsored by a common friend ay doon daw nagkita sila KC at Tony.

May mensahe naman si KC para kay Sen. Kiko bilang suporta nito sa kampanya nito sa vice-presidency.

AUTHOR PROFILE