Kakaibabe
NETIZENS na mismo ang nagsabi na gaya ng title ng isa sa kanyang mga kanta, certified “kakai-babe” ang singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome.
Kakaibang Donnalyn nga ang ipinakita ng social media personality nang magpost ito ng selfie sa kanyang Instagram post habang nakahiga sa kama.
Hindi lang sa pagiging cute at charming magaling ang ‘Kakaibabe’ singer, dahil kung hotness lang din ang pag-uusapan, yakang-yaka niya makipagsabayan.
Apaw ang sex appeal ni Donnalyn sa suot na bra. Namintana nga ang cleavage ng singer-vlogger. Talagang juicy ang ibinida nitong kaseksihan.
Nagpadagdag pa sa patakam ni Donnalyn ang posisyon nito sa kama at facial expression, mukhang ready na sa bakbakan ng paghahain ng sarap ang tulad niyang Eba.
Maging ang nobyo niya at aktor na si JM De Guzman ay naloka sa hotness ng content creator.
“Oh myyyyyy,” saad ni JM.
Tila nag-fangirl din ang mga personality na sina Meg Imperial at Jelai Andres.
Meg: My gosh Donna…
Jelai: Shemsss
Samantala, hindi rin nagpaawat sa pagpapaulan ng puso at fire emojis ang netizens sa comment section ng post.
“Grabe Donna, Kakaibabe ka talaga,” hirit pa ng isang IG user.