Default Thumbnail

Kailangan sa Senado si Hen. Guilor T. Eleazar

November 14, 2021 Vic Reyes 206 views

Vic ReyesNGAYON pa lang ay nagkalat na ang campaign materials ng mga kakandidato sa May 9, 2022 election.

Karamihan dito ay local candidates.

In fairness, wala namang nakalagay na iboto niyo ako, pero nakalagay na ang pangalan at mukha nila.

Ang masakit, kung saan-saan na nakadikit o nakapako ang mga siyempre, itatanggi nilang ito poll campaign material.

Pero bakit naman sila maglalagay ng tarpaulin na may paglaki-laking mukha nila, kung hindi ito campaign material?

Nagpapalusot lang ang mga ‘yan para hindi masabing nangangampanya na sila.

Kaya alisin na lang ang pagbabawal ng premature campaigning dahil marami na nangangampanya kahit malayo pa ang simula ng campaign period.

Mabuti sana kung hindi ka naghain ng Certificate of Candidacy.

Tama ba kami, mga bossing sa COMELEC?

****

Panahon na naman ng pambobola sa taumbayan.

Kung lahat sana ng mga ipinapangako ng mga kandidato ay natutupad tuwing eleksyon, sana wala ng naghihirap na Pinoy.

Ang problema, halos lahat ng mga pangako ay napapako.

Kabaligtaran pa ang nangyayari kapag naupo na ang kandidato, kaysa gumaan ang buhay, lalo pang naghihirap ang mga mahihirap dahil may mga lingkod-bayan na nakikipagsabwatan sa mga tuwaling negosyanteng humahakot ng pera ng bayan.

Nakakalimutan ang mga binitawang pinangako sa taumbayan noong panahon ng kampanya.

Kaya kaysa umunlad ang bansa, lalong nalulugmok sa kahitapan dahil nagpadala tayo sa mga “maamong tupa” sa panahon ng eleksyon ay nagiging mga buwaya kapag nasa puwesto na.

Hindi na natuto ang mga botante.

Basta nakakita ng pera, sunud-sunuran na sa mga kandidatong namimili ng boto.

Huwag na tayong magpapaloko sa darating na halalan.

Kilala naman na natin ang mga kandidato ngayon.

***

Maraming nagalak sa pagtakbo sa pagka-senador ni dating PNP Chief Gen. Guilor T Eleazar.

Sa totoo lang, marami ang nanghinayang sa pagre-retiro ni Heneral Eleazar sa serbisyo.

Sa maikling panahon niya kasing pamumuno s Pambanasang Kapulisan, marami ang magagandang pablgbabago niyang ipinatupad.

Kung sabagay, lahat naman nang hinawakang puwesto ni Eleazar ay nagampanan niya ng buong husay.

Pero kailangan talagang magretiro si Sir Guilor pagdating ng kanyang ika-limamput-anim na kaarawan.

Hindi natin personal na kakilala si Eleazar pero marami ang naniniwala na marami ang magagawa niya sa Senado.

Ika nga nila, kailangan natin sa gobyerno ng mga taong kagaya ni Eleazar.

Hindi natin ikinakampanya si Eleazar.

Ang sa atin lang ay sinasabi natin ang mga magagandang katangian ng dating hepe ng PNP.

Isa pa, kilala siyang malapit sa mga taga-media.

Siya’y “darling of the press.”

Siguradong susuportahan ng taumbayan ang kandidatura ni Gen. Guillermo T. Eleazar, isang respetado, makabayan at higit sa lahat, maka-Diyos.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969) 037 7083/email:[email protected]. Ilagay ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE