Kailan titino ang RFID sa toll gate?
HALOS isang dekada na ang nakalipas matapos ipahayag ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na daang bilyong piso ang nalulugi sa Pilipinas dahil sa masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Iba’t ibang pag-aaral na ang ginawa, ngunit hanggang ngayon, patuloy na lumalala ang problema sa trapiko sa mga pangunahing kalsada.
Marami ang dahilan kung bakit hindi masolusyunan ang problema ng daloy sa trapiko.
Ilan sa mga ito ay ang maliiit na kalsada, pagdagsa ng maraming sasakyan, pagkalat ng mga sagabal sa daan at siyempre ang kawalan ng disiplina ng mga motorista o iyong iba ay bunsod naman sa katigasan ng ulo ng ilang illegal vendors.
Sa ating mga expressways, malaking bagay sana ang tinatawag na ‘cashless toll collection program,’ kung saan ay hindi na kailangan magbayad pa ng cash ng mga motoristang dumaraan sa mga expressways.
Nangyayari ito sa pamamagitan ng Radio Frequency Identification o RFID na malaking ginhawa upang tuloy tuloy lamang sa byahe ang mga motorista.
Kaya lang, hanggang ngayon, marami są mga RFID ngayon ay mga palpak at hindi palagiang gumagana.
At natural kapag hindi gumagana ang RFID, napipilitang mag-manual ang bawat motorista na ang kapalit ay paghaba ng pila ng mga sasakyan sa kanilang likuran.
May chain reaction ika ‘nga!
Dalawang malalaking kompanya ang may hawak ng control sa mga tollgate ngayon.
Ito ay ang Metro Pacific Tollways Company na pinapatakbo ang Easytrip sa North Luzon Expressway (NLEx), NLEx Connector, Cavite-Laguna Expressway, Subic-Clark Tarlac Expressway at Cebu-Cordova Link Expressway.
Ang South Luzon Expressway (SLEx), Skyway, NAIA Expressway, Star Tollway at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway ay hawak naman ng San Miguel Corporation.
Parehong kapuri-puri ang dalawang kompanyang ito na kilala rin sa kabi-kabila nilang ‘corporate social responsibility (CSR)’ project na tunay namang nakatutulong sa ating mga kababayan.
Kaya lang sa aspeto ng paghawak ng RFID — mapa-easy trip o autosweep, marami pang kulang.
Kung ihahambing sila sa ibang bansa, ‘poor performance’ ito.
Marami na rin tayong bansang napuntahan.
Napansin natin na ang ‘cashless exit and entry’ sa mga toll gates sa ibang bansa ay halos na-perfect na nila. Palagi itong gumagana at hindi pumapalya.
Pero dito sa atin, hindi kumpleto ang isang araw ng motorista na dasanin ang pagdaan sa hindi gumaganang easy trip o autosweep.
At dahil palpak sa toll gate, lumilikha rin ito ng trapik at pagbara są daloy ng trapiko na ambag sa multi-billion pisong lugi ng pamahalan dahil sa problema sa trapik.
Lalo’t hindi lahat ng toll gate ngayon ay may nakabantay na personnel sa bawat booth dahil iyong ay lumilipat pa sa kabilang booth na dahilan uli ng pagsisikip ng trapiko.
At muli, wala tayong nakikitang ganitong klasę ng sistema sa labas ng bansa.
Harinawa’y mabigyang solusyun ito at sana ay magkaroon na rin ng ‘integration’ sa pagitan ng paggamit ng RFID kapwa ng San Miguel Corporation at MPTC.