Kahit may samaan ng loob, Claudine ipinagtatanggol si Julia

June 8, 2021 Aster Amoyo 510 views

KAHIT may tampuhang namamagitan ngayon between Claudine Barretto and her elder sister na si Marjorie Barretto at mga anak nito, the actress came to the rescue ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto matapos sabihin ng isang netizen na bagsak na umano ang career nito.

“Medyo nega lang ang nasusulat sa pamangkin ko (Julia) pero at the end of the day ay pamangkin ko pa rin ‘yon,” pahayag ni Claudine

Hindi naniniwala si Claudine na bagsak na ang career ni Julia. Ang kailangan umano ng kanyang pamangkin ay isang maganda at matinding proyekto.

In our exclusive interview kay Claudine, inamin nito na mahal na mahal niya ang kanyang mga pamangkin (kay Marjorie) pero ang mga ito raw ang lumayo ang loob sa kanya.

Si Julia ay nagkaroon ng sunud-sunod na banat ng netizens simula nang aminin nila ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang kanilang relasyon nung isang taon.

Si Julia ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva kung saan siya busy sa lock-in taping ng isang bagong TV series na pinamagatang “Di Na Muli” na pinagtatambalan nila ni Marco Gumabao at pinamamahalaan ni Andoy Ranay. Kasama rin sa nasabing serye sina Marco Gallo, Angelu de Leon, Mickey Ferriols, Barron Geisler, Bobby Andrews, ang nagbabalik-showbiz na si Liz Alindogan at iba pa.

May inihahanda na ring bagong movie para kay Julia ang Viva na kanyang sisimulan after ng lock-in taping ng kanyang bagong TV series na nakatakdang mapanood sa TV5.

Roxanne itinatago pa rin ang mister, anak

IT was on December 2017 nang magkahiwalay ang dating magkasintahang ex-PBB housemates, ang singer, actress and vlogger na si Roxanne Barcelo at ang model-turned actor na si Will Devaughn ending their four years and a half relationship.

Si Will ay may bagong kasintahan, ang model-host na si Cay Kujipers kung kanino siya may more than one-year-old son na si Magnus Orion na isinilang nung November 9, 2020.

Si Roxanne naman found a new love sa isang foreign guy (from Hong Kong) na kanyang pinakasalan nung isang taon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya (Roxanne) ibinabahagi ang pangalan at identity ng kanyang mister.

Kamakailan lamang ay isinilang ng singer-actress-vlogger ang kanilang first baby na isang boy which she shared sa kanyang vlog last Sunday, June 6. Hindi rin nag-share ng pangalan si Roxanne.

Hanggang kailan kaya itatago ni Roxanne ang identity ng kanyang husband, pati ng kanyang anak?

Kring Kring sobra ang pasasalamat kay Coco

SOBRA ang pasasalamat ni Cristina Gonzales sa lead actor-director ng top-rating and longest-running action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Coco Martin dahil hindi ito nagdalawang-isip na bigyan ng pagkakataon ang isang tulad niya na matagal na nawala sa showbiz.

“Ang akala ko nga, hindi na ako marunong umarte,” pag-amin ni Cristina na balik-showbiz after 20 years.

“Hindi pa ako bumabalik showbiz ay gusto ko nang mag-guest sa TV series ni Coco ,” pahayag ng actress-entrepreneur.

Cristina plays the role of Amalia, the mother of Lia (played by Jane de Leon) and wife ng character na ginagampanan naman ni Christian Vasquez.

Bukod sa “Ang Probinsyano,” si Cristina ay kasama rin sa pelikulang “Gluta” ni Ella Cruz at “Revirginized” ng megastar na si Sharon Cuneta both directed by Darryl Yap under Viva Films at mapapanood sa Vivamax app.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on my Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE