Kahit inilibing sa utang, Maynila, tuloy sa pagsipa ang ekonomiya
HANGGANG leeg ang utang ng Maynila nang dumating si Mayor Honey Lacuna.
Imagine, iyong papasok ka sa city hall tapos walang madaanan dahil sa ga-bundok na utang ang kailangan mong hawiin para kahit paano’y makapasok ka sa opisina mo na humihinga pa rin.
Nasa P17.8 billion ang dinatnang utang ni Mayor Honey nang magsimula siyang manungkulan noong 2022. Utang iyon ng administrasyon ni former mayor Isko Moreno.
Sa halip na maging abala lang si Mayor Honey sa pagpapaunlad ng lungsod at pagpapalawak ng mga basic services para sa mga mamamayan, kailangan niyang gumapang para mabayaran ang hindi naman niya utang.
Mula Julty 2022, kailangang magbayad si MHL ng P100 million buwan-buwan para hindi naman mabansagang manunuba ang lungsod. To date, ang alam natin nasa mahigit P2 bilyon na ang nababayaran niya.
Hindi rin naman nasayang ang pagsisikap ni Mayor Honey dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nagawaran ng parangal ang lungsod ng Seal of Good Local Government ng DILG.
Hindi ito basta lang ibinibigay sa mga lokalidad dahil mabusising inaaral at iniimbestgahan ang mga ginagawa ng alkalde at ng mga opisyal para sa kanilang mga mamamayan.
Bukod sa parangal na ito mula sa DILG, may magandang balita rin para sa mga mamamayan ng lungsod kahit sobrang gapang at hirap ni Mayor Honey.
Mismong ang Commission on Audi o COA ang nagkumpirma na ang City of Manila ay nakakulekta ng buwis na aabot sa P21.29 billion para sa taong 2023 at may surplus pang P3.003 bilyon.
Dito mo makikita na ang kasalukuyang alkalde ng Maynila ay hindi mahilig sa propaganda, walang gimik ng kung anu-anong kaartehan tulad ng iba pero ang laki pala ng kinita ng lungsod dahil sa kanyang management style..
Paano mo naman ikukumpara ang isang liderato na puro utang at isang liderato ng taga-bayad at tagapagpaunlad?
Hindi tayo magtataka kung bakit patuloy ang paglakas ni Mayor Honey sa mga independent surveys dahil matatalino naman ang mga mamamayan. Alam nila iyong albatross lang na klase ng ldierato at alam nila iyong totoo.
Alam nyo naman pag sinabing albatross, paibabaw lang na amoy pero nabubulok na pala sa ilalim.
Hindi mo rin masusukat ang tatag ni Mayor Honey sa lahat ng klase ng pagsubok na pinagdaanan niya nang una siyang maging alkalde. Galing sa pandemic, walang pera ang lungsod at baon pa sa utang.
Dapat ang mismong mga mamamayan ng Maynila na magkakapitbahay ang mag-usap-usap kung anong klase ba ng liderato ang gusto nilang magisnan ng kanilang mga anak.
Itong matino, disente at walang agenda na pulitiko na katulad ni Mayor Honey ang dapat pinababalik sa city hall at hindi ang kung sinu-sino lang dyan.