Martin

KAHIRAPAN KAYANG WAKASAN

November 4, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 168 views

Mga program ni PBBM vs kahirapan nagbubunga na — Speaker Romualdez

MAS maraming Pilipino ang makakaahon mula sa kahirapan sa paglikha ng gobyerno ng mapapasukang trabaho at dagdag na pagkakakitaan, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Sa kanyang talumpati sa muling pagbubukas ng sesyon ng Lunes, nagpasalamat si Speaker Romualdez sa kanyang mga kapwa kongresista sa pagbibigay ng prayoridad sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.

“Maraming salamat sa maagap ninyong pagkilos. Saludo po ako sa malasakit na ipinakita ninyo sa ating mga kababayan,” ani Speaker Romualdez.

Sabi pa ng lider ng mahigit 300 miyembro ng Kamara, marapat lang na papurihan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at kanyang administrasyon sa mga hakbang na kanilang ginawa upang mabawasan ang kahirapan at maparami ang suplay ng pagkain sa bansa kaya nabawasan ang bilang ng mga walang makain.

“The government’s reforms and programs are now yielding positive results,” giit pa ni Speaker Romualdez.

Tinukoy din nito ang Tugon Ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research na isinagawa noong Agosto 28 hanggang Setyembre 2, 2024, na bumaba ng 5 porsyento ang self-rated poverty na katumbas ng 1.4 milyong pamilyang Pilipino.

“Sustaining our economic recovery requires collaboration between the private sector, government, and academia. We must ensure that the Marcos administration’s vision of a more equitable and prosperous Philippines becomes a reality. Through consistent efforts, we can further reduce poverty and provide more opportunities for our people to thrive,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

Bago aniya mag-recess ang Kongreso noong Setyembre, pinagtibay ng Kamara ang House Resolution (HR) 2036 para sa pagsasagawa ng joint inquiry ng limang komite para makapaglatag ng lehislasyon at kontrahin ang pagpupuslit at manipulasyon ng presyo ng mga batayang bilihin.

Binubuo aniya ng Kamara ang quinta comm, na binubuo ng House committees on ways and means, trade and industry, agriculture and food, social services, at special committee on food security, upang tugunan ang kagutuman at tiyakin na may sapat na suplay ng pagkain sa bansa.

Sa kabila ng mga ginagawa ng pamahalaan, sinabi ni Speaker Romualdez na marami pa ring Pilipino ang nakararanas ng food insecurity.

Sa ulat aniya ng United Nations (UN) Food and Agriculture Organization, nangunguna ang Pilipinas sa food insecurity sa Timog Silangang Asya na may 51 milyong Pilipino na nakakaranas ng katamtaman hanggang sa matinding kawalan ng pagkain na nangangailangan ng kagyat na aksyon.

“This year, our nation has endured the impacts of both El Niño and extensive flooding, causing severe damage to the agricultural sector and affecting countless livelihoods,” ayon pa sa lider ng Kamara.

Bilang tugon at alinsunod sa direktiba ng Pangulo, sinabi ni Speaker Romualdez na binalangkas ang panukalang 2025 national budget na binibigyan ng prayoridad ang pagbuo ng mas matatag na hinaharap para sa mga komunidad.

Pinuri rin ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos sa pagdeklara ngayong araw bilang Day of National Mourning, bilang pag-alala sa mahigit 100 buhay na nasawi sa pananalasa ng bagyong Kristine.

“We mourn with their families, loved ones, and communities who bear the weight of this tragic loss. As we share in this moment of profound grief, let us find strength in our unity and offer comfort and support to those who have lost so much. May our heartfelt prayers and unwavering solidarity serve as a source of hope and healing in this time of immense sorrow,” sabi niya.

Sabi pa ni Speaker Romualdez, “a calamity that swept through communities, destroyed homes, and disrupted lives, many of you did not hesitate to set aside what should have been a period of rest.”

“You mobilized, responded, and reached out to those in need, showing our countrymen what it truly means to serve…You prioritized the welfare of our people, balancing legislative responsibilities with relief efforts that spanned our nation.”

Maliban sa paglalaan ng pondo para tugunan ang pagbaha sa mga komunidad, isinulong aniya ng Kamara ang ilang pagbabago sa panukalang 2025 national budget.

Kabilang dito ang paglalaan ng P293.23 bilyon para mapag-ibayo ang social services, palakasin ang social safety nets at tiyakin ng seguridad sa pagkain.

Ang halagang ito ay dagdag pa sa P591.8 bilyong inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) para mabigyan ng tulong pinansyal ang mga mahihirap na pamilya.

Susuportahan nito ang mga programa gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), Sustainable Livelihood Program, Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), Government Internship Program, Tertiary Education Subsidy at Tulong Dunong program.

Para tugunan ang pangangailangan sa ligtas at accessible na mga matutuluyan sa panahon ng kalamidad, itinulak at pinagtibay aniya ng Kamara ang House Bill (HB) 7354.

Nitong Setyembre, in-adopt ng Kamara ang Senate Bill (SB) 2451 o “Ligtas Pinoy Centers Act” bilang amiyenda sa panukala sa Kamara at ngayon ay hinihintay na lang ang enrolled kopya mula Senado para malagdaan ng Pangulo.

“This legislative measure is essential for protecting communities during disasters by establishing and maintaining safe, fully equipped, and permanent evacuation centers in every city and municipality,” aniya.

Sabi pa nito sa pagbabalik trabaho nilang mga mambabatas, “for another legislative cycle of lawmaking — a task we have committed to undertake with urgency and passion — we are once again expected to provide effective solutions to the most challenging and complex problems facing our nation.”

“Our track record speaks for itself. With confidence, I can say that the 19th Congress has consistently delivered successful results and exceeded expectations,” dagdag niya.

“As we approach the end of this remarkable term, we have demonstrated to the nation that no goals are unachievable, and no aspirations are unattainable, as long as we work cohesively and stand united,” giit pa ng lider ng Kamara.

Tinukoy din ng House leader ang ilan sa mga bagong batas na nilagdaan kamakailan ng Pangulong Marcos Jr. gaya ng Republic Act (RA) No. 12022 o “Anti-Agricultural Economic Sabotage Act,” RA 12028 o “Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act,” RA 12024 o “Self-reliant Defense Posture Revitalization Act” at RA 12023 o “Value Added Tax on Digital Services Law.”

Malaki rin aniya ang naging papel ng Kamara sa pagpapatibay ng 24 na batas na tinukoy bilang prayoridad sa common legislative agenda ng LEDAC para sa 19th Congress.

Sa 28 aniya na panukalang prayoridad ng Kamara na mapagtibay sa pagtatapos ng 19th Congress, dalawa na lang ang natitira sa lebel ng komite: ang amyenda sa Agrarian Reform Law at Foreign Investors’ Long-term Lease Act. Sa mga ito, 26 ay naging ganap na batas na o napagtibay sa ikatlong pagbasa.

Tinukoy din niya ang datos ng Philippine National Police (PNP) na nagpapakita ng malaking pagbaba sa bilang ng krimen.

Batay sa ulat ng PNP, mula July 2022 hanggang July 2024, nagkaroon ng 61.87 porsyentong pagbaba sa index crimes kumpara sa kaparehong panahon noong 2016 hanggang 2018, kung saan may naitalang 83,059 insidente kumpara sa 217,830 noong naunang mga taon.

Nakasabat din ang PNP ng P35.6 bilyong halaga ng iligal na droga at nakaaresto ng 122,309 na indibidwal na may kaugnayan sa droga.

“As we resume our session, let us move forward with the spirit of resilience and dedication that has defined this House, especially during our recent response to the typhoon,” wika pa nito.

“Ladies and gentlemen of this chamber, we recognize that the House of Representatives cannot address every national issue alone. The Filipino people understand this as well. Nonetheless, as your humble steward, I urge each of you to make the most of our limited time before the 19th Congress adjourns and pass the most critical and urgent legislation,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

AUTHOR PROFILE