Default Thumbnail

Kadiwa Project para sa PDLs inilunsad sa QC Jail

March 4, 2022 People's Tonight 345 views

INILUNSAD ang kauna-unahang KADIWA ni Ani at Kita o KADIWA CARTS project sa Quezon City Jail Male Dormitory Biyernes ng umaga.

Ayon kay QCJ warden JSUPT Michelle Ng Bonto, ang proyekto ay bunsod na rin sa inisyatibo ng Department of Agriculture (DA) at ng Quezon City Local Government Unit (LGU).

Aniya, malaking tulong ito sa mga Person Deprived of Liberty (PDLs) na nakapiit sa QCJ dahil makakabili ang kanilang mga pamilya o kaibigan na dadalaw sa kulungan sa mababang presyo na mga pangunahing nakikita sa palengke tulad ng bigas, gulay, isda at iba’t-ibang mga produktong agrikultura.

“Yung pamilya, kaibigan na dadalaw sa ating mga PDLs, pwede silang bumili para ibigay sa kanilang kaanak na nakapiit na makukuha lamang nila sa mababang presyo” saad pa ni Bonto

Ang okasyon ay dinaluhan nila Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) National Capital Region (NCR) Director JCSUPT Luisito Muñoz, PLTCOL Alex Alberto, commander Kamuning Police Station 10, DA Director U-Nichols Manalo, Director for NCR operation, DA Assitant Director Annray Rivera, Joyce Bengo, OIC Chief Market Development Division.

Dumalo din sa nasabing programa sin Emmanuel Velasco, Head Sustainable Development Affairs Unit na siyang nagrepresenta kay QC Mayor Joy Belmonte, Architect Nancy Esguerra, Department Head, Parks Development Administrative, Jojo Sunico, Head Nursery Division, at Retired Police Col Procorpio Lipana, Program and Project officer ng Market Development and Administration Department (MDAD).

Naging Panauhing pandangal naman sa nasabing pagtitipon si DA Usec Kristine Evangelista, undersecretary for Consumer and Political Affairs.

Sinabi ni Evangelista na hindi lamang mga PDL’s ang matutulungan ng KADIWA kungdi pati na rin ang mga konsyumer at farmers producers dahil pwede nilang ibenta ang kani-kanilang mga produkto.

Lumalabas na halos P20 pesos na mas mababa ang presyo ng produkto sa KADIWA kung ikukumpara sa retail price sa market dahil na rin pakiki-pagtulungan ng LGU’s

Samantala inihayag naman ni PCSUPT Muñoz ang pagnanais nito na mapalawak pa ang proyekto sa mga City Jails sa NCR para mas marami pa ang mga matulungan na mga kaanak ng PDL’s.

AUTHOR PROFILE