Primeviva

Ka-Viva, bida sa Viva Prime

January 24, 2023 Ian F. Fariñas 397 views

SIMULA sa Linggo, January 29, available na worldwide ang pinakabagong streaming platform na Viva Prime.

Inilunsad ito kamakailan ng Viva Entertainment, sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at mga anak na sina Valerie at Vincent del Rosario, eksaktong dalawang taon matapos i-launch ang ngayo’y nangunguna nang Pinoy streaming platform na Vivamax.

Sa ngayon, halos six million na ang subscribers ng Vivamax worldwide.

Naka-build na rin ito ng solid stable of stars tulad nina AJ Raval, Angeli Khang, Ayanna Misola, Christine Bermas, Janelle Tee, Azi Acosta, Angela Morena, Ava Mendez, Frankie Russel at marami pang iba.

Itinayo ni Boss Vic and Vivamax nu’ng kasagsagan ng Covid-19 pandemic para patuloy na makapagbigay ng premium entertainment sa publiko dahil sarado nga ang mga sinehan.

Ayon kay Boss Vic, “Nu’ng nag-launch tayo, pandemic, eh, so ang pinakamalaking victory d’yan, eh, nabigyan natin ng trabaho ang mga artista natin, mga direktor, mga producer, mga behind the camera na tao na nu’ng walang sine, eh, meron silang nagagawang trabaho. Nag-evolve ang ating Vivamax into a more mature audience.”

At dahil sa malaking tagumpay ng Vivamax, nag-decide siya na mag-launch ng ikalawang platform, ang Viva Prime.

Kung ang Vivamax ay nagke-cater sa mas mature audience, mas risque at a little edgier, ang Viva Prime naman ay pang-general entertainment, mas accessible sa pamilya.

Para sa kanilang buwena-manong handog para sa mga Ka-Viva, mapapanood sa Viva Prime ang blockbuster Viva movie na Maid in Malacañang na pinagbidahan nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Cristine Reyes, Ella Cruz sa ilalim ng direksyon ni Darryl Yap.

Susundan ito ng Greed ni Nadine Lustre, ang 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) best actress (para sa Viva entry na Deleter).

Kasabay nito ay mapapanood din sa Viva Prime ang Viva Films movie library ng mga na artista gaya nina Sharon Cuneta, Vilma Santos, Nora Aunor, Sarah Geronimo at JaDine, gayundin ang concerts mula sa Viva Live, sikat na foreign films at docu-series.

Sa ngayon, sabi ng Viva Prime executives, at least one movie title at isang original series a week ang ihahandog ng bagong streaming app sa pinakamurang subscription rate na P49 a day at P99 a month para sa ads-free viewing experience.

Gayunpaman, hindi raw ito nangangahulugan na titigil na ang Viva Films sa paggawa at pagpapalabas ng mga pelikula sa mga sinehan.

Importante pa rin sa mga bossing ng movie outfit ang theatrically-released films, kailangan lamang daw sumabay at mag-adapt sa bagong landscape ng digital world.

AUTHOR PROFILE