Espiritu MAINIT na tinangap ng mga residente ng Bgy. 737 sa pagdalaw ni Bobby Espiritu at ng “Ka-Buddy” Caravan na namigay ng pang-isang linggong ayuda. Kuha ni Jon-jon Reyes

‘Ka-Buddy’ Bobby Espiritu: Bukas ang puso para sa Manila 5th District

March 4, 2022 Jonjon Reyes 841 views

MAINIT na tinanggap ng mga residente ng Barangay 737 sa pamumuno nina Punong Barangay Edilyn Dimanlig at 735 ni Bgy. Chairman Alfredo Tan (Zone 80) sa Mataas na Lupa at F. Muñoz Sts., Malate sa Maynila ang pagdalaw ni Bobby Espiritu at magsagawa ng “Ka-Buddy” Caravan Biyernes ng umaga.

Matapos na personal na nagtungo at dumalaw ito sa nasabing lugar upang magsagawa ng mga libreng pet vaccine (anti-rabies), feeding program, libreng gupit ng buhok, at 1 linggong ayuda para sa mga residente ng nasabing barangay.

Si “Ka-Buddy” Bobby Espiritu ay kilalang matulungin at may mabuting puso sa Distrito Singko ng Maynila tulad din ng kanyang ama na kasalukuyang City Administrator ng lungsod na si Felixberto Espiritu at naging konsehal din ng Manila 5th District noong termino ni dating Manila Mayor Alfredo Lim at Lito Atienza.

Kabilang din si Espiritu na tumatakbong konsehal ng 5th District sa lungsod ng Maynila sa Ilalim naman ni presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Kasabay nito ay dumalaw naman si Espiritu sa mga kabahayan ng nasabing barangay, upang ihatid nito ang kanyang layunin na maging malusog at kapaki-pakinabang ang mga batang Maynila sa ikalimang distrito at maipadama nito ang pagmamahal at pagtulong sa bawat pamilya sa pamamagitan ng mga libreng pangkalusugan ng Ka-Buddy Caravan. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE