Lapillus2

K-POP group na Lapillus, may Manila tour

September 7, 2022 Ian F. Fariñas 355 views

NASA ‘Pinas ngayon ang bagong K-pop group na Lapillus para sa kanilang Hit Ya Pilipinas, The Lapillus Manila Tour.

Kabilang sa six-member all-girl group ang isang Pilipina, si Chanty, na isang dating ABS-CBN talent.

Ayon sa dalaga, masaya siya na makauwi at mabigyan ang pagkakataon ang kasamahan niya sa grupo na maranasan ang kakaibang init at pagmamahal ng mga Pinoy.

Ani Chanty, “This is the first time that I’m coming home since our debut and I’m just thrilled to be back. Because this time, I know I can give more to my supporters, and hopefully I can inspire some of them to continue chasing their dreams, just like what I did.”

Kinabibilangan din ng group leader na si Shana, main dancer na si Yue, main vocalist Bessie, main rapper Seowon at bunsong si Maknae Haeun, ang Lapillus ay nasa ilalim ng Korean entertainment agency na MLD Entertainment, ang kumpanyang nasa likod ng Momoland.

Mula sa debut ng digital single na Hit Ya! nitong June, naging mainit ang pagsuporta sa 4th Gen group mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Dalawang malaking fan meets ang gagawin nila sa September 10 sa Market! Market at September 11 sa Ayala Fairview Terraces.

Kasunod ng debut single na Hit Ya! na may 10 million views na sa YouTube, ang sextet ay magbabalik sa September 22 para sa bagong single na GRATATA na inilalarawan bilang isang “Mumbaton rhythm song with an addictive hook.”

“We are very grateful and excited to share our music and who we are as performers to our Filipino fans, who have been especially supporting us ever since our debut,” ani Shana.

AUTHOR PROFILE