Mariel

K-DRAMA FANATICS INGGIT KINA MARIEL AT ISABELA

June 14, 2024 Vinia Vivar 212 views

Ang daming naiinggit na Korean drama fanatics sa latest Instagram post ni Mariel Padilla.

Paano ba naman, kasama nila ng panganay niyang anak na si Isabella sa picture ang South Korean actor na si Park Seo Joon.

Kuha ang larawan nang pumunta si Mariel at ang panganay nilang anak ni Robin Padilla sa South Korea kamakailan.

“Oh did i mention that Isabella and I met PSJ in korea? Our encounter with psj and a lot more is on my vlog!!!! Link is on my bio!!!!! Our first Mother and Daughter trip. thanks @iamworldwidecorporation,” ang caption ni Mariel.

Sa comment section ay maraming netizens ang napa-“oh my God” sa inggit kay Mariel na kasama niya ang bida ng mga hit K-drama na What’s Wrong with Secretary Kim, Hwarang, Itaewon Class at Fight for my Way, among others.

Mapapanood naman sa vlog ni Mariel sa YouTube ang explanation kung bakit nila nakasama si Park Seo Joon. Ito ay dahil may commercial shoot ang South Korean actor bilang ambassador ng kumpanya kung saan ay isa distributors si Mariel ng mga produkto nito.

Ayon kay Mariel ay binigyan siya ng travel incentive ng nasabing kumpanya sa South Korea.

“For this vlog, sobrang thankful ako to be part of @iamworldwidecorporation dahil inaalagaan talaga nila kami. They gave us this all-expenses paid trip to Korea as our travel incentive.

“The best part of it all ay nakasama ko ang aking panganay na si Isabella na kami lang, AS IN NO YAYA!” sey ni Mariel.

Sa isa pa niyang post ay nagpasalamat din siya sa mister na si Robin dahil pinayagan silang mag-ina na umalis.

AUTHOR PROFILE