Gerald

JuRald nagliwaliw sa Vietnam

January 5, 2025 Vinia Vivar 89 views

JuliaAfter ng promo time ng Metro Manila Film Festival 2024 entry ni Julia Barretto na “Hold Me Close” ay lumipad pala ng Vietnam ang aktres with her boyfriend, Gerald Anderson, for a much-needed break.

Makikita sa latest post ng celebrity couple sa Instagram ang pamamasyal nila sa mga tourist spot ng Vietnam at kitang-kita na masayang-masaya ang dalawa.

Sa kanilang mga larawan ay makikita na nagtungo sila sa Ha Long Bay, sa Ninh Binh, sa Hanoi Sky Lotte Observation Deck, sa Hanoi’s Old Quarter at sa Quang Phu Cau na sikat sa paggawa ng incense.

Kilig na kilig naman ang JuRald fans sa nakitang sweetness ng kanilang mga idolo at hiling nila ay huwag sanang mag-break ang dalawa dahil nauuso nga ngayon ang hiwalayan sa showbiz.

RURU GIGIL NANG PAKASALAN SI BIANCA

Kung may mga showbiz couples na naghihiwalay ay mayroon din namang patatag nang patatag ang relasyon tulad nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Sa latest interview ng nagwaging Best Supporting Actor sa 50th Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal, gusto na nga niyang pakasalan ang girlfriend.

“Yes. Kung ako masusunod, kung puwedeng ngayon na, ‘di ba?” aniya.

“Bakit mo pa patatagalin ang isang bagay kung nahanap mo na, eh, ‘di ba? And alam ko sa sarili ko na hindi na ako makakahanap ng tulad ni Bianca,” dagdag pa niya.

Para sa aktor, si Bianca ang isa sa dahilan kung nasaan man siya ngayon sa industriya.

“Sabi ko nga hindi ko po mararating ‘tong kung nasaan po ako, hindi ko makukuha ‘tong mga ‘to kung hindi ko po nakilala si Bianca.

“Sobrang mahal ko ‘yung taong ‘yon. Parang ‘yung sabi ko nga, ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buong buhay ko, ‘yon na ‘yung dumating si Bianca sa buhay ko.

“Hindi ko ma-explain kung gaano ko siya pinahahalagahan at kung gaano siya ka-importante sa ‘kin,” ani Ruru.

AUTHOR PROFILE