Default Thumbnail

Junkshop owner ‘nagbigti’ sa Tondo

February 7, 2023 Jonjon Reyes 228 views

HINDI na umabot sa pinagdalhang pagamutan ang isang 45-anyos na lalaking may-ari ng junk shop, makaraang magpatiwakal diumano sa puwesto nito sa Tondo, Maynila, Martes ng madaling araw.

Ang biktima ay may asawa at residente ng Caloocan City.

Ayon sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, pasado alas 2:25 ng madaling araw ng Enero 7, nang madiskubre ng helper ng junk shop ang kanyang amo na nakabitin ng kulay brown na nylon cord na nakapulupot sa leeg at nakasabit sa kisame umano.

Dahil dito, humingi ito ng tulong sa mga tambay sa lugar at nagtulong-tulong ang mga ito na maisugod sa Ospital ng Tondo.

Gayunman, dakong 2:45 ng madaling araw ng parehong araw, nang ideklara itong patay ng attending physician.

Lumitaw sa pagsisiyasat ni Det. Sir Christian Joseph Pineda, may hawak ng kaso, na may “sakit sa puso” diumano ang biktima matapos magpasuri nito may ilang linggo na ang nakalipas.

Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang tukuyin kung may foul play na nangyari.

AUTHOR PROFILE