Jultin

Julius at Tintin balik-tambalan sa bagong public service show

March 19, 2022 Ian F. Fariñas 142 views

Pagkatapos ng mahigit 20 years, balik-telebisyon ang OG loveteam na nagbigay ng #RelationshipGoals. Kilala bilang isa sa pinaka-inspiring couples sa showbiz, magkakasama muli sina Julius Babao at Christine Bersola-Babao simula bukas, March 21, sa bagong show na Julius & Tintin: Para sa Pamilyang Pilipino.

Ito ay isang daily teleserbisyo program na handog ng One PH channel kung saan makikinig at magbibigay ng advice sina Pappu Julius at Mammu Tin sa mga problema sa pag-ibig, asawa, anak at bahay.

Handa nang pag-usapan nina Pappu Julius at Mammu Tin ang iba’t ibang mga isyu, maliit man o malaki, at maging bukas sa pagbahagi ng kanilang mga payo at kaalaman mula sa kanilang mga personal na experience bilang mag-asawa at magulang.

Katuwang ang mga guest expert, kahit anong problema ay masosolusyonan basta’t madaraan sa mabuting usapan.

“In this show, we are open to all types of families who need advice with their problems, and we will do our best to help them by reaching out to experts who could shed light on their situation,” sabi ni Mammu Tin.

Nagsimula ang love story nina Julius at Tintin nung sila’y naging co-host sa isang show noong 1996. Pagkalipas ng 10 taon, nagpakasal ang dalawa sa isang simbahan sa Antipolo.

Hanggang ngayon, kitang-kita pa rin ang pagmamahalan ng mag-asawa habang pinapalaki ang kanilang dalawang anak na sina Anya at Nio.

Ibinahagi ni Julius ang kahalagahan ng pagdarasal sa pagkakaroon ng isang happy marriage.

“Sometimes our prayer moments would end up in discussions where we would share our feelings and our stories with each other to a point that it kind of feels like a mini group therapy already…

It’s important that you don’t count the bad things that happened in your life but you count the blessings so that you’ll be happier in life,” aniya.

Samahan sina Pappu Julius at Mammu Tin at pakinggan ang iba’t ibang kwento mula sa kanilang mga caller at sabay nating matutunan ang sikreto sa masaya, matagumpay at matagal na pagsasama sa Julius & Tintin: Para sa Pamilyang Pilipino, Lunes hanggang Biyernes, 4 p.m.

Mapapanood din si Tintin sa Mag-badyet Tayo! Lunes hanggang Biyernes, 10 a.m., kung saan ibabahagi niya ang tamang pag-aalaga sa pera.

Si Julius naman ay mapapanood sa Frontline Pilipinas araw-araw tuwing 5:30 p.m. Lahat ng iyan ay mapapanood sa Cignal at SatLite One PH Ch. 1 at sa Cignal Play App.

AUTHOR PROFILE