Julie

Julie Anne nape-pressure maging 2025 GSM Calendar Girl

November 3, 2024 Ian F. Fariñas 111 views

REBIRTH. Ganyan i-describe ni Julie Anne San Jose ang pagkakapili sa kanya ng Ginebra San Miguel bilang 2025 Calendar Girl kasunod ng Viva artist na si Heaven Peralejo (2024).

Sa bonggang pagpapakilala na ginawa ng Ginebra San Miguel Incorporated sa Kapuso singer-actress sa Diamond Hotel kamakailan, inamin nito na nape-pressure rin naman siya at the same time proud na mapabilang sa hanay ng mga artistang naging GSM Calendar Girl.

Sey ng GF ni Rayver Cruz, “Ginebra San Miguel is a big, big brand and, of course, to be chosen as one of the ambassadors, talagang napakalaking karangalan po nu’n para sa akin. Nakakakaba but at the same time nakaka-excite because this is the first time I’m doing this.

“Parang rebirth para sa akin bilang isang babae na mapakita ko ‘yung ibang side ko. Basta this is the moment!

“Nape-pressure ako, hahaha! Nape-pressure ako but at the same time I feel proud kasi to stand alongside these women of influence, talagang nakaka-proud, nakaka-proud maging babae,” patuloy ng tinaguriang Kapuso Limitless Star.

Pagdating naman sa sexy pictorial ng kalendaryo, ang naging reaksyon ni Julie Anne ay, “I like that i get to be a different persona. ‘Yung mga artworks or ‘yung mga masterpieces ng iba’t ibang iconic artists, parang meron siyang resemblance sa akin as an artist. So there’s me as a singer, as a dancer, as a performer, as host, as an actress, as an influencer, parang iba-iba siya. And, I guess, to be anything I want to be pagdating sa craft ko.”

Stronger, bolder at mas confident nga raw na Julie ang makikita ng publiko sa labindalawang layout ng 2025 GSM calendar.

“This is gonna be a different me,” paniniguro ng singer-actress. “They will see a different Julie this time. Stronger, bolder and more confident in her own skin.”

Nang tanungin kung ano ang paborito niyang drink, ang mabilis na sagot ni Julie: “Gin tonic.”

“Wherever I go, that’s my go-to drink talaga,” tsika pa niya at idinagdag na ang katerno nito ay ang paborito rin niyang pulutan: Sisig.

AUTHOR PROFILE