Candy

Julia, walang bitterness sa ex-BF

September 11, 2022 Vinia Vivar 290 views

Ayon kay Julia Barretto, aprub sa kanya ang vlogger na si Bella Racelis para sa ex-boyfriend niyang si Joshua Garcia.

Sinabi ito ng aktres nang mag-guest siya sa Lunch Out Loud recently to promote her new film with Carlo Aquino na Expensive Candy from Viva Films.

Naglaro ng “Maritest” game si Julia sa nasabing noontime show at isa sa tanong ay kung sino ang sikat na aktor ang nili-link ngayon kay Bella dahil madalas daw nitong i-like ang mga post ng nasabing vlogger.

Pipili si Julia sa mga sagot at isa nga sa choices si Joshua.

Bago sumagot si Julia ay kinantiyawan siya ng host na si Matteo Guidicelli na medyo malagkit na raw ang pangalang Joshua at sensitive na kay Julia.

“Oy, hindi, hindi ako sensitive, Matt. Ikukorek ko lang, ha?” palag ni Julia.

Tanong naman ni Matteo, “Kumbaga, putol na, wala na?”

Paliwanag ni Julia, “Eh, kasi siyempre, ‘pag past, dapat line-let go mo ‘yan ng with grace and with gratefulness. So, ‘pag binabalikan mo ‘yan, dapat walang bitterness. ‘Di ba? Saka dapat magkakaibigan lang.”

Anyway, si Joshua ang isinagot niya na correct naman pero nilinaw niya after na wala siyang alam sa issue sa dalawa.

Tanong ni Matteo kay Julia, “Aprub ka ba sa kanila?”

Natatawa namang sagot ng aktres, “Sobrang Marites mo.”

Ipinakita ng programa ang picture nina Joshua at Bella na magkasama at sey ni Julia, “That’s nice, Matty. Good for the both of them.”

Inulit ni Matteo ang tanong. “Aprub ka ba sa kanila?”

“Aprub, aprub. Kung saan ang happiness, do’n tayo,” sagot agad ni Julia.

Inasar pa siya ulit ni Matteo, “Kasi, balita namin nag-text din siya, ‘di ba, kung aprub o hindi?”

Natatawang sagot ni Julia, “Sira, walang ganu’n.”

Bandang huli, sey na lang ni Julia na natatawa, “Tapusin mo na ‘tong usapan na ‘to, Matty. Hahaba ‘to, eh.”

ROLLERCOASTER RIDE

Talaga namang daig mo pa ang sumakay sa rollercoaster sa mga makapigil-hiningang tagpo sa Lolong gabi-gabi.

Nitong isang gabi lang ay nawindang ang viewers nang makitang buhay pa pala si Lucas (Ian de Leon).

Handa na naman nga siyang maghasik ng lagim sa ngalan ng pera.

At hindi pa man nakaka-recover completely ang viewers sa pagkamatay nina Diego (Vin Abrenica) at Tiyo Narsing (Bembol Roco), tila si Boss Abet (DJ Durano) naman ang susunod na magbubuwis ng buhay.

Grabe talaga ang init ng suporta ng publiko sa Lolong.

Kaya naman patuloy ito sa pagiging number 1 show ngayong 2022.

Hiling nga ng viewers, Book 2 at mas marami pang mall show para raw makita nila si Lolong Ruru Madrid at ang BFF nitong si Dakila.

AUTHOR PROFILE