Cocojuls

Julia sa relasyon kay Coco: Nag-announce ba kami? Wala naman

August 10, 2023 Vinia Vivar 194 views

Kahit nadulas na si Coco Martin kamakailan tungkol sa relasyon nila ni Julia Montes, nananatiling tahimik pa rin ang aktres tungkol dito at mukhang hindi pa ready to make it official.

Sa isang event ay natanong kay Julia kung kumustang partner si Coco dahil umamin na nga ang aktor sa relasyon nila. Ang natatawang sagot ng aktres, “Nag-announce ba kami? Wala naman.”

Pero aminado si Julia na happy siya sa kanyang buhay.

“Happy lang ako sa life. Siguro masasabi ko, lahat ng nangyayari po sa buhay ko, never kong in-expect and never kong in-imagine na ganu’n ‘yung mangyayari when it comes to… in general, lahat, sa work, sa life,” aniya.

“Sa lahat ng dini-dream ko, more than pa sa nangyayari. So, wala, super thankful na I’m very happy,” dagdag pa niya.

Asked kung ano ang next chapter sa kanila ni Coco, anang aktres, hindi sila nagmamadali.

“Siguro, ano lang, enjoy lang muna ‘yung journey na whatever blessing na dumarating ngayon, ‘yun lang talaga ako nagpo-focus,” she said.

Dagdag pa niya, “No rush with everything. Basta focus on what blessing na binigay ngayon for this year, for whatever moment na nandirito ngayon.”

AUTHOR PROFILE