Julia ratsada sa promo ng MMFF entry at endorsement ng Pina Beauty
RATSADA si Julia Barretto sa kabi-kabilang proyekto ngayon mula sa pagpo-promote ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang “Hold Me Close” hanggang sa launch ng bagong product endorsement.
Sa pagitan ng kabi-kabilang mall shows para sa balik-tambalan nila sa Viva Films ni Carlo Aquino sa ilalim ng direksyon ni Direk Jason Paul Laxamana, pormal ngang ipinakilala ang aktres bilang pinakabagong mukha ng Pina Beauty PH sa isang bonggang launch nitong Huwebes sa mismong opisina ng Pina sa BGC.
Ayon sa Pina executives, perfect choice si Julia bilang ambassador dahil taglay nito ang values ng isang true-blue Pina beauty: Confident at empowered, youthful yet sophisticated.
Ang “Pina” ay mula sa salitang “FiliPINA” na sumisimbolo sa importansiyang ibinibigay nito sa Pinoy heritage at culture.
Layon ng naturang beauty and skincare brand na i-empower ang mga Pinay at i-champion ang kahusayan ng mga ito sa iba’t ibang parte ng mundo.
Kabilang sa mga produkto ng Pina ang Pina Light Soap, Pina Glow Soap at Pina Glow Lotion. Ang Pina Light at Pina Glow soaps ay pinarangalan bilang Best Skincare Soaps sa Mega Beauty Awards 2024.
Siyempre, flattered at blessed ang GF ni Gerald Anderson sa tiwala at pagkakataong i-endorse ang Pina Beauty PH at bilib umano siya sa advocacy nito na iangat ang imahe ng mga Pinay saan mang larangan sa mundo.
Ang Pina products ay mabibili sa lahat ng SM Malls, All Day Supermarket, Magic Mall, Sta. Lucia Mall, Unimart at Makati Supermart. Available rin ito sa Shopee, Lazado at TikTok shops.
KATE AT JOHN WALANG ILANGAN SA UNANG PAGTATAMBAL
PARA sa showbiz newbie na si Kate Yalung, hindi kumpleto ang knowledge sa music ng mga tulad niya kung hindi niya kilala ang yumaong OPM hitmaker/icon na si April Boy Regino.
Sa edad na 23, siniguro ng fashion designer-turned-actress na kilala niya si April Boy, na sumikat noong dekada ’90.
Katunayan, paborito raw niya ang mga kanta nitong “‘Di Ko Kayang Tanggapin” at “Umiiyak ang Puso” na, incidentally, ay parehong ginamit sa debut film niyang “Idol: The April Boy Story.”
Ginagampanan ni Kate sa naturang bioflick ang papel ng may-bahay ni April Boy na si Madel Regino habang si John Arcenas naman ang nasa title role.
Unang pelikula ni Kate ang “Idol…,” na dinirek ng batikang action star na si Efren Reyes Jr.
Ayon sa kanya, naging smooth naman ang takbo ng shooting dahil nagkatrabaho na sila ni Direk Efren sa isang proyekto noon at matagal-tagal na rin silang magkaibigan ni John dahil pareho sila ng talent manager — si Tyronne Escalante.
Kwento pa ni Kate, napakasayang kasama ni John sa set. Chill lang daw sila bilang magkapareha at walang ilangang nangyari sa pagganap nila sa papel ng mag-asawa sa movie.
“Super close po. Kung noon magkaibigan kami, ngayon, super close na kami,” diin ng dalaga.
Bukod sa “Idol….,” may ginawa na rin daw silang isa pang proyekto ni John noong pandemic na unfortunately ay hindi pa naipapalabas hanggang ngayon.
Anyway, nasa cast din ng “Idol…” sina Rey “PJ” Abellana, Tanya Gomez, Dindo Arroyo, Irene Celebre, JC Regino, atbp.
Produced ni Marynette Gamboa ng Premiere WaterPlus Productions, kasalukuyan pang palabas ang “Idol: The April Boy Regino Story” sa mga sinehan nationwide.