Julia

Julia, perfect 10 sa kakikayan

January 7, 2022 Ian F. Fariñas 203 views

NAHAHARAP sa isang busy na taon ngayong 2022 ang Viva Artists Agency (VAA) talent na si Julia Barretto dahil magbibida siya sa tatlong proyekto na ang isa ay ang Expensive Candy nila ni Carlo Aquino para sa Viva Films.

May horror film project din ang 24-anyos na aktres sa ilalim ng direksyon ni Brillante Mendoza.

Bukod sa sunud-sunod na pelikula, abala rin si Julia sa product endorsements.

Siya nga ang bagong mukha ng Miracle White Supplements at sa launching recently ay sinabi niya na ang New Year’s resolution niya ay, “I hope I won’t get tired in 2022.”

Nitong nakaraang Pasko, nakasama siyempre ng dalaga ang pamilya’t boyfriend na si Gerald Anderson sa Noche Buena kung saan ang mommy niyang si Marjorie Barretto ang nagluto ng lahat ng kanilang mga paboritong kainin.

May rasong maging masaya si Julia dahil kahit marami ang naapektuhan sa showbiz ng pandemya last year, nanatili siyang very visible sa eksena.

Kaya naman sabi niya, “We are blessed. It’s a good year (for us). There is real magic in counting your blessings. Every time na medyo napapagod na ako or stressed, I really take the time to shut down and take a moment for myself.

“Then I count the things that I should be grateful for, and I feel we are blessed, especially this year (2021) so hindi ko pinapayagan na mangibabaw ang stress and negativity because again, hindi nakaka-ganda.

“So always count your blessings especially now na hindi natin alam kung ano ang mangyayari mamaya or bukas so I just want to enjoy what I have and the people around me.”

Wala nga siyang gaanong hang-ups pagdating sa personal na buhay at para sa kanya raw, ang “true beauty is embracing who you are and being proud of it.

“I totally get it. I totally understand. But at some point, we just have to accept it and let go of things that we cannot control because it will lead us to frustrations or anger. So I pray that you just learn to love it and find ways to embrace it. Just make some adjustments and try to forget about the things you don’t really like about yourselves. Later on, that will be your greatest strength, I promise,” payo ng batang aktres sa mga kakabaihang nagkakaroon ng insecurities na nakakaapekto na sa kanilang mental health at emotional wellness.

Pagdating naman sa kanyang beauty routine, kwento ni Julia, “Beauty rituals ko, once or twice a week, favorite ko talaga mag body scrub sa bahay.

“I love smooth skin. I love baby skin. Then twice a day, I take Miracle White Supplements. I always wash my face and moisturize it. Belo, Ponds, and Miracle White, thank you so much for making me beautiful everyday.”

Kung ire-rate niya ang sarili pagdating sa kaartehan o pagiging kikay, perfect 10 ang isinagot ni Julia.

“10 na! ‘Yun din naman ang sasabihn ng bashers, eh. Maarte ako, eh,” diin niya sabay tawa.

AUTHOR PROFILE