Julia nape-pressure sa tindi ng bakbakan sa MMFF50
Sa pagtatapos ng 2024, maraming dapat ipagpasalamat si Julia Barretto especially sa kanyang career.
Unang-una na nga ay ang sunod-sunod na projects niya kabilang na movie nila ni Aga Muhlach last February at ang successful reunion movie nila ni Joshua Garcia na “Unhappy for You” last August.
Ngayon naman ay may bago siyang pelikula na isa sa official entries sa 50th Metro Manila Film Festival, ang “Hold Me Close” with Carlo Aquino mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.
“I keep saying this because I mean it. Sobra akong nagpapasalamat sa grace na ipinakita talaga ng Diyos sa akin this year and the blessings. It really makes the entire journey worth it,” pahayag ni Julia sa solo presscon niya kahapon for ‘Hold Me Close.’
Dagdag pa niya, mula nang magsimula siyang mag-artista since she was a kid ay talagang ginagawa niya parati ang kanyang best kaya napakasarap sa pakiramdam kapag ganitong nabibigyan siya ng reward.
Excited nga si Julia sa pagtatapos ng taon with her MMFF entry dahil taong 2016 pa ang huli niyang pagsali sa taunang festival with “Vince and Kath and James.”
When asked kung may pressure ba na matitindi rin ang mga kalaban niyang pelikula, aniya ay oo naman but it’s a good kind of pressure.
“It’s a kind of pressure na tsina-channel mo as a motivation to really study what you have to do and be at your best shape and be in your best mental state. It’s a pressure that’s good. It motivates you more.
“It’s not a bad thing. It’s a good kind of pressure na parang ‘you gotta work girl,’” sey ng aktres.
Kinunan sa Japan, mapapanood na ang ‘Hold Me Close’ sa December 25 sa mga sinehan sa buong bansa.