Arjo

Julia napako ang tuhod sa shooting ng ‘Topakk’

December 5, 2024 Vinia Vivar 80 views

Noon pa man ay isa na si Julia Montes sa mga aktres na dream makatrabaho ni Arjo Atayde.

Nagkatrabaho na sila sa seryeng “24/7” in 2020 at ngayon ay reunited sila sa 50th Metro Manila Film Festival entry na ‘Topakk.’

“I’m definitely privileged to be working with Julia as I always say it naman sa lahat ng interviews. Isa siya sa mga artista that I always look forward to working with,” sey ni Arjo sa grand mediacon ng movie.

Papuri pa ng aktor sa leading lady, “Walang arte and kahit anong gawin niya, she can do it.”

Hardcore action packed ang ‘Topakk’ at ayon kay Arjo ay kakaiba naman ang makikikita natin sa aktres.

“This action (film) is definitely a showcase as well. Hindi naman ito ang first time, I think, but this is definitely something different. ‘Pag sinabing iba, meron siyang mga ginawang kakaiba din talaga dito. But definitely, action is now new in her blood and it really shows in the movie,” sey ng aktor.

Nang matanong kung kinailangan pa ba niyang magpasantabi sa boyfriend ni Julia na si Coco Martin nang kunin niya ang aktres para sa pelikula, natawa si Arjo at sey niya, “Hindi naman po, Coco is a friend and I’ve already worked with Julia prior to this naman po, sa “24/7.”

Sa pelikula ay napakaraming action-packed scenes si Julia mula sa paghawak ng baril at matitinding stunts.

Dahil sa tindi ng mga action scene nila ay pareho pa silang naaksidente sa shooting.

Si Julia ay napako sa tuhod sa isang eksena habang si Arjo naman ay nagkaroon ng mga minor accident.

“Ginusto ko rin naman ‘to, action ‘to. I just have to say na everytime you do action, you have to expect na wounds, bruises, kasi part talaga siya. Masakit pero it’s part of the fun,” sey ni Arjo.

Directed by Richard Somes, ang kwento ng “Topakk” ay tungkol sa isang security guard (Arjo) na may PTSD at na-trigger ang kanyang trauma while protecting an accused drug mule (Julia).

The ensemble cast also includes Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos, Levy Ignacio, Bernard Palanca, Paolo Paraiso, Vin Abrenica, Cholo Barretto, Julio de Leon, Ivan Carapiet, Jeffrey Tam, Gerard Acao, Michael Roy, Maureen Mauricio, Elora Espano, Claire Ruiz, Anne Feo, Bong Cabrera, Manu Respall, Rosh Barman, Victor Medina, Ivan Rivera, Ian Lee, Nico Dans, Yian Gabriel, Raquel Pareno, Precious Laingo, Kayley Carrigan at Geli Bulaong.

Magsisimula na itong mapanood simula sa Dec. 25.

AUTHOR PROFILE