Julia Larawan mula sa IG/@cocomartin_ph

Julia: ‘Let’s cross the bridge when we get there’

October 6, 2023 People's Tonight 235 views

Sa isyu ng kasal

HINDI nakatakas sa tanong kung engaged o kasal na ba ang aktres na si Julia Montes sa kanyang partner, ang “Batang Quiapo” star na si Coco Martin.

Sa episode nitong Huwebes, Oktubre 5, ng GMA talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, diretsahang tinanong si Julia kung ano na ba ang estado nila ng kanyang nobyo.

Nauna munang itanong ni Tito Boy na, “Sino si Coco Martin sa buhay mo?”

“My knight in shining armor,” sagot naman ni Julia.

Sumabak naman ang aktres sa segment ng show na ‘Talk or Dare’ at tinanong tungkol sa isang isyung naging usap-usapan kamakailan.

Naitanong ng Asia’s King of Talk ang singsing na suot ni Julia sa ginanap na ABS-CBN Ball kamakailan.

“Noong last ABS-CBN Ball, people were talking about the ring that you were wearing, and people were speculating, sabi nila, ’Is that an engagement ring? Kasal na ba si Julia at saka si Coco?” tanong ni Tito Boy.

“Julia, my question is, engaged na ba kayo? Kasal na ba kayo? Ano ba ang inyong estado ni Coco Martin?” dagdag pa niya.

Nang tanungin kung ayos lang ba sa kanyang pag-usapan ang isyu, naisagot ni Julia na, “Parang mas nakaka-stress po kasi ‘yung dare e… sa hataw. Talk na lang, Tito Boy.”

“Siguro po, let’s cross the bridge when we get there,” sagot ng aktres sa tanong.

“‘Yun lang, pwede ba ’yon? Okay na po ’yun please,” pahayag pa ni Julia.

AUTHOR PROFILE