Jodi

Julia gustong magtapos ng pag-aaral

September 3, 2021 Aster Amoyo 345 views

TULAD ng seasoned actress na si Jodi Sta. Maria na napagsabay ang pag-aaral at trabaho until she graduated from college sa Southville International School and Colleges in Las Pinas City, Metro Manila last June ng BS in Psychology na isang dean’s lister, ganito rin ngayon ang pinagdadaanan ng 26-year-old na si Julia Montes (Mara Hautea Schnittka in real life).

It was in September 2020 nang ibahagi ni Julia sa kanyang Instagram account ang kanyang pagbabalik-iskwela sa gitna ng pandemic. She’s taking up Business Administration major in Marketing Management sa same school kung saan nagtapos si Jodi at nasa dean’s list din siya. Ito’y patunay lamang na sa kabila ng pagiging busy sa kanyang trabaho bilang actress ay kaya niyang balansehin ito sa kanyang pag-aaral at determinado ang aktres na tapusin ang kanyang pag-aaral come what may.

Although mahigit dalawang taon ding nagpahinga si Julia sa kanyang showbiz career, ngayon naman ay sabak na naman siya sa trabaho matapos niya gawin ang kanyang reunion movie with rumored boyfriend na si Coco Martin at ang pagpasok din niya sa top-rating and longest-running action drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan din ni Coco na siya ring co-director ng serye.

Ang nakakatuwa, Mara ang pangalan ng character ni Julia sa FPJAP at ito rin ang kanyang tunay na pangalan in real life.
Sa mga susunod na araw ay magku-krus na ang landas nina Cardo Dalisay (Coco) at Mara (Julia) sa FPJAP.

GeraldYam may billboard sa New York

NEXT Friday (September 10) na magtatapos ang top-rating primetime TV series na “Init sa Magdamag” na tinatampukan nina Yam Concepcion, Gerald Anderson at JM de Guzman. Ang nasabing programa ay papalitan ng drama romantic comedy TV series na “Marry Me, Marry You” pangungunahan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez kasama sina Sunshine Dizon, Cherry Pie Picache at Edu Manzano, Vina Morales, Teresa Loyzaga, Lito Pimentel, Joko Diaz, Jett Pangan, Jake Ejercito at iba pa.

Samantala, pabigat nang pabigat na ang mga eksena ng “Init sa Magdamag” habang papalapit ang pagtatapos nito. Ito bale ang first lead role in a TV series ni Yam na nagpakita ng husay sa kanyang pag-arte. Hindi naman nagpahuli si JM de Guzman sa kanyang napahusay na pagganap as Peterson Alvarez, ang obsessed husband ni Rita (Yam) . Magaling din dito si Gerald as Doc Tope, ang true love ni Rita.

Speaking of Yam, after her intimatate wedding in New York City, USA with her New York-based husband na si Miguel CuUnjieng last July 24 (July 25 sa Pilipinas) attended by their respective families and close friends, hindi tumuloy ang dalawa sa kanilang honeymoon sa ibang lugar dahil nakakaramdam ang actress ng guilt dahil magsasaya silang mag-asawa habang nagdurusa ang buong mundo dahil sa Covid-19 coronavirus.

Tulad ng singer-actress, painter at fashion icon na si Heart Evangelista, naka-experience din si Yam ng electronic billboard sa New York Times Square nang siya’y kuning celebrity endorser ng kilalang Threads brand ng stylish, exotic and eco-friendly bags. She experienced to work with an American photographer na si Neil Tandy and an American team and this is one of the firsts sa buhay ng actress. She even posed for a pictorial with her American team kung saan naroon ang kanyang billboard sa Times Square, isa sa mga landmark ng New York City, isang major commercial intersection, tourist destination and entertainment center na matatagpuan sa midtown Manhattan section.
Wala pang balita kung ipagpapatuloy pa ni Yam ang kanyang showbiz career sa Pilipinas lalupa’t naging maganda ang feedback sa kanya sa “Init ng Magdamag” TV series.

MahalMga abo ni Mahal nailipat na

MATAPOS sumakabilang-buhay ang 46-year-old actress-comedienne at YuTuber na si Mahal (Noeme Tesorero) nung nakaraang August 31 sanhi ng kumplikasyon sa Covid-19 coronavirus sa isang pagamutan ng Tanauan, Batangas, na-cremate na ito at ang kanyang urn ay dinala na ng kanyang pamilya sa Cosmopolitan Chapel ng Santuario de San Vicente de Paul and Shrine in Tandang Sora, Quezon City for a two-day wake mula nung nakaraang Biyernes hanggang bukas, araw ng Linggo. Pero inaasahan na ang mga taong magbibigay ng kanilang huling respeto kay Mahal ay susunod sa safety health protocol. Nagpapasalamat din ang mga kapatid ni Mahal sa lahat ng nagpaabot ng kanilang pagmamahal sa namayapa nilang kapatid hanggang sa huli.

Ang nakababatang kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero na sa Amerika na naka-base ay hindi na nakauwi ng Pilipinas pero ito ang punong abala sa pagku-coordinate na may kinalaman sa kanyang namayapang nakatatandang kapatid.
Wala pang ibinabahagi ang pamilya ni Mahal kung saan ilalagak ang kanyang urn.

ChoiKasal ni Kris tuloy na

APAT na beses mang na-postpone ang kasal ng dating Kapuso actress-entrepeneur na si Kris Bernal sa kanyang chef-entrepreneur fiancé na si Perry Choi dahil sa pandemic, tuloy na tuloy na ang pagpapakasal ng dalawa sa darating na September 25, araw ng Sabado pero hindi na nila maiimbitahan ang original number of guests na gusto nilang makasama sa araw ng kanilang kasal for safety health protocol.

The couple got engaged nung February 6, 2020 bago ang pandemic. They planned to get married nung May 15, 2021 pero ito’y naurong to June 5, 2021 and another date hanggang ito’y kanilang mapag-desisyunan na gawing September 25 with some adjustments.
Ngayong papasukin ni Kris ang pagkakaroon ng sariling pamilya, ipagpapatuloy pa rin umano niya ang kanyang showbiz career kung saan umano siya nagsimula.

JanineSunshine, Janine may first project na bilang Kapamilya

PAREHONG first TV series project nina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon ang “Marry Me, Marry You” sa Kapamilya network at kung saan din nila katrabaho ang isa pang transferee sa ABS-CBN na si Paulo Avelino.

Bukod sa nasabing TV series, si Janine ay regular ding napapanood sa “ASAP Natin `To” every Sunday at si Sunshine naman ay nakapag-guest na rin sa iba pang programa ng Kapamilya at kasama na rito ang kanyang guest appearance at guest co-host ng “Magandang Buhay” na pansamantalang humalili sa isa sa mga main hosts na si Karla Estrada.

Sa GMA nagsimula at nakilala nang husto si Sunshine bilang actress kaya hindi niya puwedeng balewalain ang nagawa sa kanya ng Kapuso network na habang-buhay niyang tatanawing malaking utang na loob. Pero gutom pa rin ang singer-actress na sumubok sa iba’t ibang proyekto at ibang mga katrabaho kaya nag-desisyon siyang lumipat ng ABS-CBN.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Tiwtter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE