Julia ’di ‘hopia’ sa MMFF award
ROM-COM na may halong science fiction ang handog nina Julia Barretto at Carlo Aquino sa Viva MMFF 2025 entry na “Hold Me Close” na si Jason Paul Laxamana ang director.
Sa Japan syinut ang movie na wala sa planong isali sa MMFF. Perro pinalad mapiling entry ang movie na ikatlong beses na pagsasama nina Carlo at Julia.
Impressive ang trailer ng movie at siyempre, lalong lumakas ang chemistry nina Julia at Carlo.
Ngayong festival movie na ito, maraming makakalaban si Julia bilang best actress gaya nina Vilma Santos, Lorna Tolentino, Juldy Ann Santos at iba pa.
Pero hindi ito isinasaisip ni Julia. Ginawa umano niya ang movie hindi para manalo.
“I admire all of them. I don’t wanna expect. Gusto naming magbigay ng entertaining movie sa ‘Hold Me Close’,” pahayag ni Julia sa mediacon ng movie kahapon.
KULANG SA INIT
TUMODO nang husto si Kim Chui sa pagiging calendar girl niya sa para sa isang alak.
Walang puso kahit medyo maliit ang boobs niya sa suot na two-piece underwear.
Kulang nga lang sa init dahil hindi pa rin nawawala ang wholesome look niya nu’ng nagsisimula lang siya sa showbiz.
Eh, halos positibo ang comments sa naglabasang pictures ni Kim at meron nang nag-aabang na puwede na siyang sumabak sa Vivamax, huh!
Of course, si Paulo Avelino ang tiyak na ngiting-ngiti sa pagsabak ni Kim bilang hot and sexy calendar girl, huh!