Judy Ann at Ryan hindi nababahiran ang pagsasama

April 30, 2022 Aster Amoyo 277 views

Juday1CELEBRITY couple Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo celebrated their 13th wedding anniversary last Thursday, April 18. Ang mag-asawa ay ikinasal nung April 28, 2009 sa San Juan Nepomuceno Church in San Juan, Batangas. The couple is blessed with three children, their adopted daughter na si Johan (17)and two biological kids na sina Lucho (11) and Luna (6). Kung idadagdag ang mga taon na sila’y magkasintahan pa, 18 taon na ang relasyon ng mag-asawa.

Juday and Ryan’s marriage ay isa sa maituturing na matibay in showbiz at never pa itong napasukan ng anumang intriga o kontrobersiya dahil pareho nilang tinatrabaho at pinangangalagaan ang kanilang relasyon.

Bago pa man nagkasama sina Juday at Ryan sa fantaserye ng Kapamilya network in 2004, ang “Krystala” ay dalawang beses nagkita ang dalawa, una sa dating studio ng yumaong ace photographer na si Raymond Isaac in Makati City at pangalawa sa isang salon pero hanggang `hi’ and `hello’ lamang ang dalawa. Nagkalapit ang dalawa when they eventually worked together in “Krystala” at bago nagtapos ang nasabing fanta-serye in 2005 ay magkasintahan na sila. Although they tried to hide their relationship to the public, hindi naman nila maitago ang maraming okasyon na nakikita silang magka-holding hands at sweet sa isa’t isa tulad nung 2005 nang samahan ni Ryan si Juday sa Gawad Urian kung saan si Juday ang nanalong Best Actress for the movie “Sabel”. Sa kanyang acceptance speech ay isa si Ryan sa kanyang pinasalamatan kaya lalong lumakas ang usap-usapan na may special something na sa dalawa.

Ang pagsasama ng dalawa sa “Krystala” ay nasundan ng dalawang movie na silang dalawa ang mga pangunahing bituin, ang “Kasal, Kasali, Kasalo” in 2006 at “Sakal, Sakali, Saklolo” in 2007 both megged by writer-director Joey Reyes. Nagkaroon din ng cameo role si Juday sa solo movie ni Ryan, ang “Umaaraw, Umuulan” kaya lalong naging persistent ang usap-usapan sa dalawa.

Three days after Juday’s 30th birthday nung May 11 ay nag-propose ng marriage si Ryan habang sila’y nagbabakasyon sa Antulang Beach Resort in Dumaguete City, Negros Oriental. Maging ang kanilang engagement ay naitago rin nila sa publiko. Kahit ang kanilang wedding ceremony nung April 28, 2022 sa San Juan, Batangas ay kanila ring naisikreto sa media at sa publiko at nagtampo pa noon ang namayapang manager ni Juday na si Alfie Lorenzo dahil maging ito ay hindi alam ang magaganap na kasalan sa dalawa sa pag-aakalang hindi siya imbitado. But he was eventually informed and asked to keep it a secret tulad ng kanilang respective families,mga kasali sa wedding entourage at naimbitahan sa very private wedding ng couple.

Samantala, the celebrity couple invested a vacation house in Las Vegas, Nevada na matagal-tagal na rin nilang hindi nabibisita dahil sa pandemya.

Kylie

Kylie mukhang masaya kahit malungkot

SA kabila ng `pagluluksa’ ng kanyang puso dahil sa recent break-up nila ng actor na si Jake Cuenca, nakuha pa rin ng 2016 Miss International-turned actress na si Kylie Verzosa na makisaya sa Summer Grand Celebration ng Vivamax na ginanap sa Le Reve Events Place in Quezon City last Tuesday, April 28. Ang katwiran ng beauty queen-actress, mas kailangan niyang maging masaya sa kabila ng pagtatapos ng tatlong matatamis nilang taon nila ng kanyang ex-boyfriend na si Jake, isang way na siya’y makapag-move on. After all, there is life after her break-up with Jake.

Bukod sa first team-up nila ni Zanjoe Marudo sa romantic-drama movie na “Ikaw Lang ang Mahal” na dinirek ni Richard Somes under Viva Films and will be released on Vivamax streaming app, maraming projects ang naka-line-up kay Kylie kaya thankful siya sa kanyang home studio. Ang kanyang pagiging busy ay isa umano sa paraan para madali siyang makalimot at makapag-move on sa paghihiwalay nila ni Jake na siyang unang nag-confirm ng kanilang break-up sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Si Kylie (30) ang ika-anim na Filipina beauty na kinoronahang Miss International. Ang limang nauna ay sina Gemma Cruz in 1964, Aurora Pijuan in 1970, Melanie Marquez in 1979, Precious Lara Quigaman in 2005 at si Bea Rose Santiago in 2013.

After her reign in 2016 ay pinasok na ni Kylie ang showbiz. She was launched into stardom ng Viva Films sa pamamagitan ng “The Housemaid,” Philippine adaptation ng hit Korean movie of same title. Ito’y dinirek ni Roman Perez, Jr. at tinampukan din nina Albert Martinez, Jaclyn Jose, Alma Moreno at Louise de los Reyes.

Celebrities na may magkakaibang political choices nagkawatak-watak

MAGKAKAHIWALAY ang mga kandidato sa sinusuportahan ng mga showbiz personality na ang iba sa kanila ay sobrang passionate to a point ay nakikipag-away pa sa ibang celebrities na sumusuporta sa iba.

While ang pagsuporta sa isang kandidato o mga kandidato ay option ng lahat ng botante, hindi naman dapat mag away-away dahil lamang sa iba’t ibang kulay o partido na kanilang pinaniniwalaan. Isang araw lamang ang halalan at pagkatapos nito ay doon lamang malalaman kung sino sa mga kandidato ang maluluklok sa puwesto. Pero ang pagkakaibigan at relasyon ng marami ay may lamat na dahil lamang sa magkakaibang kandidato na kanilang sinuportahan.

Dapat sa mga celebrity supporter ay huwag magpadala sa kanilang mga emosyon. Sumuporta sila sa kanilang mga pininiwalaang kandidato nang wala silang ibang nasasaktan para pagkatapos ng halalan ay magkakaibigan pa rin sila ng ibang celebrities na sumuporta sa ibang candidates.

May mga pamilya at magkakamag-anak na magkakaiba ang pinaninindigang kandidato at ito’y normal lamang. Pero sana, pagkatapos ng election ay buo pa rin sila at hindi watak-watak tulad ngayon.

Paul

Paul-Mikee affair mainit na

NAGING controversial ang paghihiwalay noon nina Barbie Imperial at Paul Salas in 2018 ganoon din ang break-up nina Barbie at Diego Loyzaga nung nakaraang December 2021 Sa part ni Paul, tila matagal na itong nakapag-move on sa paghihiwalay nila ng Kapamilya actress na si Barbie dahil nakatagpo ito ng bagong mamahalin sa katauhan ng kanyang kapwa Kapuso talent na si Mikee Quintos. Ang dalawa ay naging close sa isa’t isa nang kanilang gawin ang TV series na “The Lost Recipe,” local adaptation ng Korean K-drama of same title.

Si Paul ay panganay na anak ng dating UMD (Universal Motion Dancers) dancer na si Jim Salas at wife nitong si Michelle Solinap.

Tom

Dahilan ng Carla-Tom split malabo pa rin

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin malinaw ang dahilan ng paghihiwalay ng celebrity couple na sina Cara Abellana at Tom Rodriquez after three months of marriage. Ang dalawa ay ikinasal nung nakaraang October 23, 3021. Mas matagal pa ang itinagal ng kanilang relasyon bilang magkasintahan na nagsimula nung 2013 sa set ng kanilang first TV series sa GMA, ang “My Husband’s Lover” na tinampukan din ni Dennis Trillo.

Nasubaybayan ng publiko ang pagmamahalan ng dalawa until they got engaged in October 2020 which they only revealed to the public in March 2021. A year later after their engagement ay ikinasal ang dalawa nung October 23, 2021 na ginanap sa San Juan Nepomuceno Parish Church in San Juan, Batangas attended by their respective families and friends in and out of showbiz.

Dahil sa pagiging tahimik lamang nina Carla at Tom sa tunay na dahilan ng kanilang agarang paghihiwalay, sari-saring espekulasyon tuloy ang naglalabasan at kasama na rito ang pagkakaroon diumano ng third party sa side ni Tom.

Matapos kumalat ang paghihiwalay ng dalawa, dine-activate na ng ex-PBB housemate at Kapuso actor ang kanyang Instragram account.

SUBSCRIBE, like, share and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instragram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE